MANILA, Philippines - May bagong two-minute habit ang mga manonood sa telebisyon. Palagi silang nakahawak ngayon sa remote control at pati na rin sa kanilang mobile phone.
Sa unang pagkataon sa kasaysayan ng telebisyon, nakalikha ang Sunsilk ng isang pakulo base sa teleserye kung saan kasali mismo ang mga manonood sa pagbuo ng istorya.
Muling pinatutunayan ni Sarah Geronimo ang kanyang celebrity power sa pinagbibidahan niyang Hair is Your Moment. Kasama niya rito sina Mark Bautista at Guji Lorenzana bilang mga leading man niya.
Ang nasabing romantic comedy ang love offering ng pop princess nang mag-debut ang microserye sa ASAP noong Valentine’s Day.
Ngayon pa lang, maugong na ang naiibang serye at marami sa mga manonood ang masugid na sumusubaybay sa kuwento ni Jenny na ginagampanan ni Sarah.
Isang ulila si Jenny na nag-aalaga sa kanyang mga kapatid at nag-aasikaso rin sa kanilang karinderya. Dala ng isang malaking pagkakautang, di malayong mawala sa kanila ang karinderya sakaling hindi makabayad si Jenny ng utang sa loob ng 10 araw.
Gustong solusyunan ni Jenny ang problema sa pamamagitan ng pagsali sa isang audition para sa isang inihahandang concert kung saan ang premyo ay sapat para mabayaran niya ang utang ng karinderya.
Tatakbo ang Hair is Your Moment ng 10 linggo. Ipinapalabas ang bagong episode sa ASAP tuwing Linggo at may replay linggu-linggo sa Kung Tayo’y Magkakalayo.
Sabi ni Sarah thrilled siya sa pagiging image model ng Sunsilk. “Proud ako sa beautiful hair ko,” aniya. “Alam ko na nakasisira ng buhok ang madalas na styling, at ang damage repair system ng Sunsilk ay mayaman sa olive serum nutri complex na nakapagpapanumbalik sa nasirang buhok sa loob ng 10 araw.
“Gaya ni Sarah, excited kami talaga sa microserye,” ani Jem Perez, brand manager para sa Sunsilk ng Unilever Philippines, “kakaiba ito at first time na mayroong ganitong microserye kung saan ang mga viewers ang magde-decide ng magiging takbo ng story.”
Para makaboto, hanapin ang promo code na matatagpuan sa loob ng bawat pakete ng Sunsilk damage repair shampoo o conditioner (may marka rin ito ng isang pink puzzle piece).
Dapat i-type ng boboto ang 10Days<promo code><letter of vote> at i-send sa 2600. Halimbawa : 10DAYS abc12 A.
Makatatanggap ng instant prizes ang mga boboto, kasama rito ang Globe instant load, National Bookstore discount coupons, Sunsilk damage repair kits, at iPods.