Oca namatay na!

MANILA, Philippines - Pumanaw na ang isang beteranong komedyante at television host na si Oscar Obligacion.

Sinasabi sa isang naantalang ulat na namatay si Obligacion sa edad na 86 anyos noong Biyernes ng gabi dahil sa sakit sa bato o kidney.

Higit na nakilala si Obligacion nang maging host siya ng ilang programa sa telebisyon noong mga taong 1960 tulad ng The Big Show ng Channel 11 at Oras ng Ligaya  ng ABS-CBN. Kasama niya rito ang singer na si Sylvia La Torre

Show comments