Roxanne buntis ng tatlong buwan!
MANILA, Philippines - Inamin na ni Roxanne Guinoo na buntis siya at magpapakasal sa non-showbiz dyowa na si Angelo interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon.
Bongga dahil mas bata ang boyfriend niya, tatlong taon ang tanda niya sa ama ng kanyang magiging anak.
Next year pa sila pakakasal dahil sukob sa taon. Kakakasal lang ng kapatid ng kanyang pakakasalan.
Pero dinenay niyang nagdi- demand ang pamilya niya sa kanyang mapapangasawa ng house and lot. Ayon sa actress, bago pa man siya nag-showbiz ay maayos na ang buhay ng pamilya niya.
Kino-consider niyang big blessing ang kanyang dinadala. Pero umamin siyang iyak nang iyak ang kanyang ina nang malaman ang pagbubuntis niya dahil masyado naman daw maaga.
Wala siyang planong iwan ang showbiz.
- Latest