MANILA, Philippines - Mismong si Regine Velasquez na rin ang nag-preempt ng kanyang mahalagang anunsiyo na dapat sana’y kanyang ginawa kahapon sa SOP. Ipinahayag niya kasi sa Startalk na hindi siya nagdadalantao contrary to circulating text messages.
Ang ginamit pa niyang adverb ay ‘‘unfortunately,’’ sabay dinugtungan niya ng, ‘‘How I wish.’’ Kasunod ang pagharap sa katotohanang, ‘‘Thunders (gay term for matanda) na ang lola n’yo (referring to herself).’’
Samantala, Regine’s contract with GMA expires in June this year. Pero hindi pa man ito nagtatapos ay hinainan na siya agad ng two-year contract, the same goes for her boyfriend Ogie Alcasid. Needless to say, nauuso kasi ang lipatan sa TV5 kaya inunahan na ng GMA ang posibilidad na ’yon.
* * *
Hindi raw si Mo Twister, kundi ang kanyang kaibigang lalake, ang nakaniig ng isang forty something former American model na nakilala niya sa US. Hindi raw kasi tinantanan ng foreigner si Mo ng mga sexual advances nito, kaya sa halip na siya, inireto niya ang kanyang male friend.
Pero iba naman ang version ng pinagtsismisan ni Mo. Pati rin daw si Mo ay pumatol sa babaeng ’yon, bagay na ikinainis niya and became the subject in his blog.
Kilalang may pagkatsismoso si Mo, who pries into the private lives of celebrities. Wala rin siyang habas kung magsalita laban kaninuman as though he has earned a license to do that. Sa pagkakataong ito na siya naman ang naiintriga — whether true or not — bakit siya mapipikon? Kung ganu’n, dapat din siyang mapikon sa mga gawain niya!
Sa wikang Ingles, Mo cannot have his cake and eat it, too. In his case, mamon. Magpaka-pusong mamon ba? (Ronnie Carrasco)