Ricky pipirma na sana ng kontrata nang mag-back out sa TV5
Ramdam ni Ricky Lo two Saturdays ago ang tamlay sa buong kapaligiran ng Startalk, bunga ‘yun ng kalat na kalat nang paglipat niya sa TV5. “Biruin mo, kahit ‘yung mga cameraman, ang sabi sa akin, ‘Aalis na po kayo?’ Ang bigat tuloy ng loob ko, ayoko namang umalis sa GMA na ganun ang pakiramdam,” pag-amin ni Tito Ricky.
Lalo pa raw naantig ang kalooban ni Tito Ricky nang payagan siya ng program manager ng Startalk na manatili sa buong Marso. “Kasi kung ang isinagot sa akin ng PM eh, hindi na puwede, decided na talaga ako sa pag-transfer ko.”
Medyo nainis nga raw si Wyngard Tracy dahil sa kanyang patumpik-tumpik na desisyon. Mismong araw kasi ng pirmahan ng kontrata sa TV5 ay nagpasabi na si Tito Ricky through Wyngard, the go-between in the transaction, that he was staying with GMA.
Hindi naman itinanggi ng batikang columnist na very tempting ang offer, one that any network talent would find hard to resist. “Pero na-realize ko that it’s not all money,” sabi ni Tito Ricky.
* * *
Even in matters of the heart, Dra. Vicki Belo trusts her lawyer.
Dapat sana’y May 20 pa ang itinakdang petsa kung kailan napagkasunduan magkita nina Vicky at Hayden Kho, but the doctor to the stars broke the vow.
Araw ng arraignment kay Hayden noong nakaraang Martes, upon the advice of her lawyer ay sumipot ang doktora sa korte to lend moral support to her ex-boyfriend. “When I saw him nga, he’s still guwapo pa rin. Pero wala na ‘yung addiction to him, just kilig,” sabi ni Vicky na kinikilig din habang kinuyog ng media at a Belo event last Wednesday.
Halata namang hindi lovesick si Vicky, mas umaliwalas kasi ang kanyang aura with her new hairstyle and an even slimmer figure. Feeling yata niya, kabilang siya sa mga ini-launch na hot mammas ng Belo for non-invasive contouring procedure called Novashape.
* * *
The champion of the champions will emerge this Saturday on Talentadong Pinoy as eight contenders battle it out for the whopping jackpot prize.
Pito at isang wild cart (chosen from the last four episodes) ang magtatagisan ng kani-kanilang mga pambatong talento before thousands of spectators at the Cuneta Astrodome.
Hosted by Ryan Agoncillo, kalabisan nang sabihing others have followed suit using the same format and formula as venue para i-showcase ng Pinoy ang angking skills and talents never before seen on TV.
- Latest