^

PSN Showbiz

Guwapo at magaling na aktor mas inuuna ang casino

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi lang pala bahay ang ibenebenta ni Fran­cine Prieto para ipantustos sa pagpapagamot sa inang may stage three ovarian cancer. Pati ang kotse nito’y ibenebenta na rin dahil ‘pag nagsimula na raw ang six sessions yata ng chemotheraphy ng ina, kakailanganin niya ang malaking pera. Gus­to ni Francine na tuluy-tuloy ang gamutan sa ina para umepekto ang gamot dahil kung patigil-tigil, wala ring mangyayari.

Saan kaya titira sina Francine ‘pag nabenta na ang kanilang bahay at anong gagamitin sa kan­yang ap­­pointment ‘pag nabenta na ang sasakyan. Pero ang kalig­tasan ng ina ang priority nito at sabi nga nito “ba­hala na si Batman” nang tanungin kung saan siya ku­kuha ng pera ‘pag naubos na ang naipon at ‘pag wala na siyang gamit na maibenta.

Kuwento ni Francine, hindi pa handa ang ina niyang ma­­maalam sa mundo at nakikita niyang gus­to pa nitong mabuhay, kaya tinutulungan niya sa abot ng kan­yang makakaya. Problema lang ng dalaga, wala na siyang regular show sa GMA 7 at ku­mikita siya sa pa-guest-guest, pero matutuwa tiyak ito dahil tutulu­ngan siya ni Anne Curtis. Sana, tulungan din si Fran­cine ng iba niyang mga kai­bigan, lalo na ang Kapuso stars.

Guest si Francine sa Appreciation Dinner/Laun­ching ng 2010 Metro Manila Film Festival at na­iyak itong pinasalamatan ang mga tumutulong sa kanya. Galing siya sa ospital na kahit masaya ang kinanta, halata pa rin ang lungkot sa kanya.

Kaya mo ‘yan Francine!

* * *

Madalas maispatan sa isang casino ang gu­wa­po at magaling na aktor na sa halip na ang lu­mam­lam na career ang harapin, ang pagsusugal ang inaatupag. Iba’t ibang babae rin ang kasama ng actor ‘pag dumarating sa casino na pawang non-showbiz para ‘di kilala.

Malaking pera raw ang ipinatatalo ng aktor tu­wing nagsusugal sa casino at nagtataka ang mga na­kakakita sa kanya kung saan ito kumukuha ng pera dahil hindi naman siya active sa showbiz.

Mahusay umarte ang aktor na ito at guwapo, pero pinabayaan ang magandang takbo ng career at kung anu-anong bisyo ang pinasok at ngayon, sa sugal nalululong.

* * *

 Tinging nagmamalaki ang ipinukol ni Jay-R sa GF niyang si Krissa Mae nang mapiling Miss Ta­lent si Krissa sa pre-pageant ng Bb. Pilipinas na ginawa sa GMA 7 Annex last Friday. Kung pu­we­de lang sigurong lapitan ni Jay-R si Krissa para personal na i-congratulate, ginawa niya.

Pero may nagreklamong kasama ng ibang can­di­dates dahil unfair daw na isa si Jay-R sa mga hosts at performers ng pre-pageant night dahil GF niya si Krissa. Ang pre-pageant night ay mapa­pa­nood sa SNBO slot, after Show Me Da Manny at hatid ng Bb. Pilinas Charities at GMA 7.  

ANNE CURTIS

APPRECIATION DINNER

FRAN

FRANCINE

JAY-R

KRISSA

KRISSA MAE

LSQUO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with