Next Big Stars jinx!?

Seen : Si Krissa Mae Arrieta ang tinanghal na Miss Talent sa Pre-Pageant Night ng 2010 Bb. Pilipinas. Contract star si Krissa Mae ng Artist Center ng GMA 7.

Scene : Ipapalabas mamayang gabi sa SNBO ang Bb. Pilipinas 2010 Pre-Pageant. Mga host sina Rhian Ramos, Jay-R at Drew Arellano.

Seen : Mahihirapan si Francine Prieto na ibenta ang kanyang bahay. Si Francine mismo ang nagsabi sa mga interbyu sa kanya na ipinagbibili niya ang bahay dahil malas ito. Walang tao na bibili ng mahal na bahay, sa halagang sampung milyong piso kung sinasabi niyang malas.

Scene : Ang official statement ni Senator Bong Revilla, Jr. sa Youtube voice clip na gina­ga­mit na paninira sa kanya : “Alam naman natin na panahon ng eleksiyon ngayon. Hindi na yata mawawala sa ating pulitika ang paninira.

“Dahil sa hi-tech ngayon, wala nang imposible, Dragon nga nasasakyan na, boses pa. Halata naman na pinutol-putol nila at pinagdugtong-dugtong. Dinagdagan pa.

“I have referred this matter to my legal team and they are taking action. Some laws were violated and those responsible will be made accountable, lalo na ‘yung mga nag-ere nito at ‘yung iba pa na mag-eere at magpapalabas nito.”

Seen : Naka-post sa Internet blogspot ni DJ Mo Twister ang video clip ng paninira kay Senator Bong Revilla.

Seen : Sina Frencheska Farr at Geoff Taylor ang mga winner ng Are You The Next Big Star? Parehong magpapaalam sa ere ang kanilang mga show, ang SOP at Bandaoke. Unfair na bansagan sila na mga jinx sa show.

Scene : Ngayong tanghali ang farewell episode ng SOP. Thirteen years ang itinagal ng SOP sa telebisyon.

Show comments