Panata sa Bayan narinig na!

MANILA, Philippines - Limampung taon na ang news organization sa bansa – ang GMA News and Public Affairs. At bahagi ng kanilang pagdiriwang ang pagkakaroon ng official anthem – ang Panata sa Bayan.

Ang pop-alternative Filipino band na Sugarfree, kasama si Kris Gebilaguin, ang sumulat ng Panata sa Bayan na kumuha ng ins­pi­rasyon mula sa commitment ng buong GMA News and Public Affairs na paghahatid ng serbisyong totoo. Sugarfree rin ang tumatayong arranger at interpreter ng band version ng kanta samantalang si Ms. Kuh Ledesma naman ang kakanta ng solo version.

Masasabing pinaka-una sa kasaysayan ng broadcast journalism sa bansa ang GMA News sa pagkakaroon ng sarili nitong anthem.

Ang music video ng Panata sa Bayan ay nagsimulang mapanood kahapon na pinangu­ngunahan ng mga   pinaka-respetadong pangalan sa broadcast journalism ngayon – ang pillars ng GMA News and Public Affairs na sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, at Howie Severino, kasama ang iba pang pinagkakatiwalaang personalities ng GMA News.

Show comments