Carol recording star na
MANILA, Philippines - Isang ganap na recording artist na ang 2004 Grand Champion ng Dubai TFC Pop Star at Pinoy Idol finalist na si Carol Leus matapos ang launching ng kanyang titled album.
Labing dalawang kanta ang maririnig sa kanyang unang album. Timang ang kanyang carrier single. Swak ang lyrics ng kantang ito sa mga bagets at in-love. Kasama rin sa album ang Magkaibigan, Nagkaibigan, Just to Make You Stay, Kung Magbabalik Ka, Senti, Ngayon Lang, Our Love Will Stay, Tunay na Pag-ibig, Malilimutan Din Kita, Paalam at Goodluck (graduation song), Kung Magbabalik Ka (Radio Edit) at ni-revive din niya ang awiting Hindi Ako Laruan. Favorite niya sa album ang Magbabalik Ka.
“Maganda po ‘yung lyrics. Nung ipinarinig pa lang sa akin ‘yung demo nun, ‘yun na po ang pinakagusto ko. Parang bagay siya sa teleserye. Malalim ang ibig sabihin ng kanta. Tapos ‘yung areglo niya…’yung melody parang talagang mapi-feel mo. Masarap kantahin,” sey niya.
Pero bakit ‘Timang’ ang carrier single ng album?
“Si Tito Boy Christopher (album producer) na rin po ang nag-decide. ‘Yung Timang catchy kasi pag narinig ninyo. Nilagyan pa nila ng live na acoustic guitar, paliwanag ni Carol.
Nakaka-relate ba siya sa kanta?
“Opo. Pero sa ngayon, hindi na po ako timang sa pag-ibig. Siguro noon pong kapapasok ko pa lang sa teenage life, ganyan,” sey pa ng 19 –year- old TFC Pop Star.
Di ba masarap balikan ang ‘timang days’?
“Opo pero ayaw ko pang balikan ang pagiging ‘timang’. Na-realize ko kasi lalo na nung mag-start akong mag-college, dun ko talaga nakita kung paano ang buhay ng tao. Bilang parang isang individual na ‘yung pangarap ko mas dumami. So inisip ko na ‘wag munang mag-concentrate sa ganun. Dream ko talaga na sumikat sa showbiz, kumanta at umarte,” dagdag pa niya.
Inaalay naman niya ang kanta niyang Magkaibigan, Nagkaibigan sa mga OFW since ang parents niya (Arman & Juliet Leus) na nasa Abu Dhabi, U.A.E.
Anyway, ang Carol Leus album ay prodyus at sinulat ng kanyang manager na si Boy Christopher. Katuwang naman niya ang past PMPC President na si Roldan Castro bilang talent manager.
For bookings and inquiries -09175044330, 09053595091, 7100352. (RC)
- Latest