Aljur walang planong mag-seryoso ng babae

MANILA, Philippines - Walang pakialam si Aljur Abrenica kung dini-deny man siya ni Rich Asun­cion na naging boyfriend siya. “Ayos lang kahit i-deny. Hindi naman talaga naging kami ni Rich,” katuwiran ng aktor na hirap paniwalaan ng mga kaharap niyang kau­sap na press.

Nauna nang nag-deny si Rich tungkol sa ka­­nila kaya naitanong kay Aljur kung anong feeling pag dini-deny.

Besides, sinabi ni­yang wala pa siya sa stage na magsi-seryoso sa babae.

Wala si Kris Bernal nang makitsika siya sa press. Kaya hinahanap sa kanya. As usual, hindi alam ni Aljur kung nasaan ang ‘mahal’ niya sa The Last Prince.

Pero aminado si­yang takot siyang mag­hiwalay ang loveteam nila ni Kris. May bali-ba­lita kasi na itatambal na si Aljur sa iba at nauna nang nagsabi si Kris na takot siya sa mang­ya­yaring hiwa­layan nila kung saka-sakali.

“Takot din akong ma­hi­walay siya (Kris) sa akin. Napamahal na siya,” sagot ng young actor.

At dahil malapit na naman ang mahal na araw, naalala na naman

 ang tungkol sa kinasangkutan niyang issue na umano’y he took advantage sa isang menor de edad sa Puerto Galera.

Mag-iisang taon na pero wala pa ring nangyayari sa reklamo ng umano’y ‘ginalaw’ niya.

“Sabi nila after a month, may decision na pero hanggang ngayon, wala pa rin naman,” sabi ni Aljur na napapailing pag na­alala ang nangyari dahil wala naman daw maipakitang ebidensiya ang nagrereklamo.

Pumayat na rin si Aljur. From 170 lbs, ngayon ay 130 lbs na lang siya.

Ito ang rason kaya pinagdududahang may nabago sa hit­sura niya.

“Wala ho akong ipinaretoke,” mabilis niyang sagot.

Anyway, wala naman siyang reklamo kahit nagkaka-pimples siya sa mukha dahil sa costume niya sa The Last Prince na infairness ay mataas ang rating.

* * *

Nag-react si Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account kahapon tungkol sa issue ng pagli­pat niya sa TV5 from ABS-CBN. Isang ABS-CBN insider ang nag-con­firm ng desisyon ni Ruffa nang magpaalam ito sa man­agement ng ABS-CBN. Pinayagan na­­man daw si Ruffa ng manage­ment.

“As of to­day po I am still a Ka­pamilya! :) You will see me on Sunday, as usual, for Buzzy Buzz BUZZ!!! :) On my way to ABS now,” sabi nito sa kan­yang Twitter account.

* * *

Ngayong gabi (Feb. 26), ang Asia’s Soul Siren na si Nina, kasama ang premier vocal ensemble na The CompanY, ay magpapagalingan ng repertoire sa stage ng Metro Concert Bar sa Quezon City sa show na pinamagatang If I Should Love Again. 

Show comments