Hanna bagong star sa recording scene

MANILA, Philippines - Si Hanna Flores, ang anak ng respetadong songwriter, arranger, at album producer na si Homer Flores, ay nagsisimula nang gumawa ng sariling pangalan sa recording scene ngayon.

Siya ang pinakabagong recording star ng Star Records. Inilabas ang self-titled debut album ni Hanna kamakailan sa mga record outlets. Ka­ramihan sa mga singles niya ay   heartwarming: Love Me, Hold Me (isi­nu­lat ni Alvina Sy at ni Homer), Come and Take Me, Munting Hi­ling, You Made Life So Beautiful, at isang Christmas track, ang You Know It’s Christmas (carrier single).

Dream come true talaga ang album para sa 18-year-old singer dahil ang iba niyang original compositions ay nabibigyan na ng pansin sa mga te­le­vision programs.

Ang Munting Hiling ay ginamit ni Pokwang sa Your Song Presents. Ang Dahil Ikaw ang Mahal Ko ay narinig sa mga huling episodes ng Tayong Dalawa.

Ang Mag­pa­ramdam Ka ay naging themesong sa nakaraang Precious Hearts Presents My Cheating Heart

Show comments