Concert ng La Diva tagumpay

MANILA, Philippines - May napatunayan na naman ang La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia) sa concert scene. Tagumpay ang kanilang Intimately La Diva pre-Valentine show sa One Esplanade na punumpuno.

Gaya ng kanilang first major concert sa Music Museum noong December, bumirit muli ang mga singing champions na sina Jonalyn Viray (2004 Pinoy Pop Superstar o PPS grand champ), Aicelle Santos (2005 PPS runner-up), at Maricris Garcia (2006 PPS grand champ).  Natuwa ang mga fans ng La Diva sa bersiyon nila ng mga OPM tunes tulad ng Forevermore at Sana’y Wala Nang Wakas at ilang foreign hits.

Hindi lang blending ang pinag-aralan ng tatlo kundi pati ang tamang blocking sa stage at pagbibihis ng mga damit. Nakikita rin sa mga facial expressions na di­na­rama nila ng husto ang mga napiling kantahin kaya nag-enjoy ang crowd sa trio.

Pero nang mag-solo ng number, nasorpresa ang mga nakapanood sa show dahil lumabas ang mga istilo nila. Somewhere in Time ang kay Maricris na ang musical director at mentor ay si Danny Tan. Kay Aicelle ang My Funny Valentine. Isang OPM ang kay Jonalyn, One Last Goodbye, na original ni Ayen Laurel.                   

Ginulat pa ng La Diva ang mga tao sa kanilang encore na A Light of a Million Mornings at Angels Brought Me Here. Kaya pinuri rin ang stage director na si Louie Ignacio.

Dahil successful ang kabuuan ng Intimately La Diva na ang ginawang beneficiary ay Childhaus.

Show comments