Anne natatandaan na sa kanyang edad

Nasa 10th anniversary party kami ng YES! Magazine nang mabalitaang hindi natuloy ang tap­ing ng Panday Kids kahapon dahil aayusin ang script. Ipu-pull out na ni Annabelle Rama si JC de Vera dahil may hindi magandang nangyari sa promo ng show sa SOP.

Pero may nakausap naman kaming naka­ka­alam ng istorya at sinabing may four days taping pang gagawin si JC bago mawala ang karakter nitong si Aureus.

Nang makita si Annabelle ni Dinno Erece, tina­nong kung totoong ipu-pull out na niya si JC sa Pan­day Kids at “hindi pa” ang sagot nito. Ibig sa­bihin, tama ang tsikang nasagap namin na may four days taping pa si JC, pero kailangan pa ring ayusin ang script para hindi maapektuhan ang takbo ng istorya.

Anyway, isa si JC sa mga nababalitang lilipat sa TV 5 at mapapadali siguro ang paglipat nito dahil sa nangyari sa SOP na inaalam pa namin sa ngayon.

* * *

Birthday ni Anne Curtis noong February 17, she’s 25 years old at sa edad niyang ito, feeling old na ang aktres. Nagkaroon siya ng borderline crisis sa pag-iisip na matanda na siya, pero one day lang tumagal. Naisip nitong kahit nada­dag­dagan ang kanyang edad, ang daming blessi­ngs na dumarating sa kanya.

 “Gusto kong gawing year of positivity ang 2010, kaya mabilis kong inalis ang pamomroblema sa pagtanda ko. Naisip ko, I have a successful TV career sa Showtime at gagawa ako ng teleserye. May movie ako with Sam Milby, ang Babe, I Love You at gagawin ang In Your Eyes with Claudine Barretto and Richard Gutierrez, walang rason para malungkot ako. Pero ’di na ako nagpa-party at iba na ang mga responsibilities ko,” wika ni Anne.

Kahapon, ang storycon ng movie nila nina Claudine at Richard at April ang playdate ng movie nila ni Sam, busy ang year ni Anne. Pero ano ang feeling niya to be working with Claudine and Ri­chard?

 “I’m excited to be working with Chard dahil last time naming magkasama sa Love to Love pa ng GMA-7 at maarte pa akong GF niya noon. Excited din akong makatrabaho si Ate Claudine at dapat galingan namin ni Chard dahil magaling na aktres ang kasama namin. Sa March kami magsu-shooting at may shoot daw sa States, masaya ako,” sabi ni Anne.

* * *

Sandali naming nakausap si Ogie Alcasid sa anniversary party pa rin ng YES! at ang tungkol sa pag-alis niya sa GMA 7 at paglipat sa TV5 ang aming itinanong. Para matigil na ang tsismis, nag­sa­lita na si Ogie.

“Totoong kinausap ako ng TV 5 dahil malapit ako kay Manny Pangilinan at isa siyang tao na hina­hangaan ko. Hindi ko idi-deny na may offer ang TV 5 and I’m honored they consider me, kaya lang, ang puso ko’y sa GMA 7 at ’di totoong pumir­ma ako ng kontrata sa TV 5,” sagot ni Ogie. 

May special participation din si Ogie sa Diva na bida ang girlfriend niya pero hindi kinuwento ang role niya. For the love of Regine kaya siya pu­­mayag mag-guest sa musikaserye o kantaserye na magsisimula na sa March 1.

* * *

Ang dami-daming artista, TV stars, singers, movie producers, directors, scriptwriters, press people sa 10th anniversary ng YES! na ginawa sa NBC Tent at sa rami nila, hindi na kami magba­banggit dito ng pangalan.

Lahat nang pumasok pinagkaguluhan ng mga fotogs at TV crew, lalo na nang dumating ang Gutier­rez family nina Eddie, Annabelle Rama, Ruffa, Raymond, at Richard. Bati na talaga ang kam­po ng mga taga-YES! at PEP at ang Gutierrez family dahil nakipag-celebrate sila sa okasyon.

Show comments