Lovi Poe ninakawan sa New York; Mukha ni Gretchen maraming binago!?

Seen : Ang balita na buntis at malapit nang ikasal ng ex-girlfriend na si Ro­xanne Guinoo ang itinanong kay Jake Cuenca ng press people sa anniversary bash ng YES Magazine. Sinabi ni Jake na kung saan masaya si Roxanne, masaya rin siya.

Scene : Kasabay ng mainit na panahon kahapon ang mainit na ulo ng showbiz press dahil sa late arrival ni Bongbong Marcos sa sariling presscon nito. Dalawang oras at kalahati na late si Bongbong dahil daw sa trapik.

Seen : Hindi na refreshing ang mukha ni Gretchen Barretto. May drastic change sa kanyang mukha.

Scene : Kasama ni Hayden Kho, Jr. sa arraignment nito sa DOJ noong Martes si Dra. Vicki Belo. Hindi nasunod ang kasunduan nila na hindi muna sila magkikita hanggang sa May 20, ang 30th birthday ni Hayden.

Seen : Huling Linggo na ng SOP sa February 28 dahil sa mababang rating. Party Pilipinas ang title ng musical variety show na ipapalit sa SOP Fully Charged.

Scene : Hindi na dapat isama sa cast ng Party Pilipinas sina Jaya, Gian Magdangal, Janno Gibbs at ang ibang baguhan na mainstay dahil hindi sila nakakatulong sa show.

Seen : Ninakaw sa New York ang mga cellphone ni Lovi Poe.

Scene : Cast member na si Isabel Granada ng Panday Kids. Nagbunga ang message niya na bigyan siya ng regular show sa Facebook account ng isang GMA 7 executive.

Seen : Magkakaroon ng remake ang Temptation Island. Ang Regal Films ang producer at si Chris Martinez ang direktor.

Show comments