^

PSN Showbiz

Kumpirmado, Ruffa Gutierrez nilayasan ang ABS-CBN, lumipat na sa TV5

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sure na sure na ang paglipat ni Ruffa Gutierrez sa TV5. Yup, as of presstime, pormal na raw itong nagpaalam sa ABS-CBN.

Hindi raw na-resist ng kampo ni Ruffa ang bonggang offer ng TV5 na pag-aari ni Mr. Manny Pangilinan.

* * *

Final na pala. Tsugi na sa ere starting next Sunday ang SOP. Mismong si Ogie Alcasid ang nag-confirm ng nasabing pamamaalam ng kanilang programa na tumagal din ng 13 taon sa ere. Pero ayaw niyang magbigay ng hint kung kai­lan sila babalik pero definitely, kasama pa rin sila ng girlfriend niyang si Regine Ve­lasquez sa papalit na programa at hindi na lang siya basta host, kundi isang consultant din sa ipapalit na programa na Party Pilipinas.

“Yes, magpapahinga muna ang aming Sunday variety show after 14 years. Abangan ninyo ang susunod na mangyayari,” sabi ni Ogie nang makausap ng ilang entertainment writers sa 10th anniversary celebration ng Yes magazine sa NBC Tent last Tuesday night.

Tanggap ni Ogie na natalo sila ng kalaban nilang programang ASAP matapos ang anim na taon naman nilang pagri-rate.

Excited siya sa pagpasok ng bago nilang programa.

Samantala, definite na rin ang sagot ni Ogie na hindi niya lalayasan ang GMA 7 contrary sa mga naglalabasang issue na tatapusin lang niya ang mga commitment niya pati na rin ng girlfriend niyang si Regine Velasquez.

Aminado siyang nakipag-usap siya sa TV5. “I wanted to hear,” pag-amin niya.

Yun ang naging issue kaya umano’y nagbigay ng counter offer ang GMA 7 na pagkataas-taas. “Hindi naman lahat pera. Walang kinalaman ang pera, hindi counter offer yun,” sabi niya.

Saka mahirap daw basta-basta iwan ng ganun na lang. 

Eh si Regine, anong status sa offer ng TV5?

“I can’t speak for Regine kasi ako lang talaga ang kausap ng TV5. Wala akong alam doon. Ang nagbubuklod lang sa amin ay ang aming mga puso,” sagot ni Ogie na kinikilig-kilig pa.

* * *

Naka-tsika rin ng ilang entertainment writers sa nasabing bonggang party ng Yes Mag si Ms. Gretchen Barretto na medyo late dumating.

Yesterday naka-schedule ang workshop nila ni Bea Alonzo para sa gagawin nilang teleserye sa ABS-CBN. Ito yung show na sana ay pagsasamahan nila ng kapatid niyang si Claudine bago pa ito nagdesisyong lumipat sa GMA 7.

Excited na si Greta dahil may blessing si Tony Boy Cojuangco sa plano niyang maging sikat na actress. “Yayaman at sisikat na ako, sabi ni Tony I’ll support you,” natutuwang kuwento ng actress na galing ng premiere night ng Miss You Like Crazy bago dumiretso sa party ng Yes.

Naka-relate daw siya sa nasabing pelikula nina Bea and John Lloyd Cruz kaya iyak siya nang iyak.

Di ba siya nai-insecure sa acting ni Bea? “Well ako ang tipo ng tao na hindi nai-insecure,” mabilis na sagot ng actress.

Pumayag din siyang magtrabaho ng 24 hours – 6:00 a.m until 6:00 the following day for the next few months.

Sa March 6 ang birthday niya pero ini-enjoy na niya ang Jaguar na bigay ng kanyang partner na may nakakakitang madalas niyang irampa kasama ang mga kaibigan.

* * *

Ayaw namang pangalanan ni Snooky Serna ang partner niya sa nasabing party.

Mas mababa at mas may edad sa actress ang kanyang bagong boyfriend for two years now.

“Tawagin na lang natin siya ng R,” nang tanungin ng TV crew kung puwede niyang ipakilala ang kanyang escort. Pero nang tanungin niya si Mr. R kung puwede siyang pangalanan, nag-no si Mr. R. Nang may mag-attempt na tanungin ang name niya, companion na lang daw ni Snooky ang ilagay sa caption ng photos nila.

Tumaba na si Snooky at OA ang suot niyang mga accessories. Over-over talaga.

* * *

Super star studded ang nasabing celebration ng Yes Mag na pinamumunuan ni Ms. Jo-Ann Maglipon.

Kasama sa mga dumating din na mga artista sina Aga Muhlach and Charlene Gonzales at full forced ang pamilya Gutierrez – Ruffa, Richard, Raymond, tita Annabelle Rama and Eddie Gutierrez, Ogie Alcasid, Assunta de Rossi, KC Concepcion, Pops Fernandez at maraming-marami pang iba.

Isa sa nami-miss sa ganitong okasyon ng Yes ay si Tito Douglas Quijano na kasamang nagsimula ng naturang magazine.?

AGA MUHLACH

ANNABELLE RAMA

BEA

MR. R

NIYA

NIYANG

OGIE

OGIE ALCASID

YES MAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with