MANILA, Philippines - Ano nga ba ang have in common nina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion bukod sa kanilang sexy curves and beautiful faces?
Well, pareho silang dalagang ina.
May tig-isa silang anak na mas pinili nilang kayaning maging ama at ina sa kanilang anak.
Pareho rin silang pumasok sa showbiz na mga bagets as in teenager pa.
Si Jennylyn ang kauna-unahang winner ng Starstruck habang si Valerie ay nag-start sa youth show na Click.
Si Jennylyn ay pinangatawanan ang pagiging magulang sa kanyang isang taong gulang na anak na si Alex Jazz. Sinolo niya ang responsibilidad habang si Valerie ay nagsisikap para sa apat na taong gulang na si Fiona.
Pareho rin silang naging in-demand sa mga men’s mags as covers. Pero kakaiba ang pagsasama nila ngayon bukod sa pagiging mga proud mother.
They even have the same manager, si Ms. Becky Aguila.
At bakit nga ba sila parehong parang hindi nadadagdagan ang edad kahit na pareho silang nanganak at may responsibilidad sa kanilang pamilya?
Well, madalas pala sila sa Belo Medical Clinic.
Kahapon ay pormal na rin silang ipinakilala bilang hot moms ng Belo Medical Group.
Bukod sa proper diet at konting exercise, pareho silang madalas sa Belo para sa non-invasive body contouring sessions with Novashape. At yun ang sekreto nila kaya wala silang problema sa kanilang mga katawan.
Naku, magandang balita ito sa mga young mommy na nagkakaroon ng depression dahil sa kanilang katabaan.