^

PSN Showbiz

Marian hindi natuloy sa Nieves

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Matutuwa ang mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil bago nila gawin ang Endless Love: Autumn in My Heart, gagawa muna sila ng pelikula na co-produce ng GMA Films at Regal Entertainment. Exclusive ang actor sa GMA Films at exclusive naman ang dalaga sa movie outfit ni Mother Lily Monteverde.

Sabi ni Popoy Caritativo, manager ni Marian, this week na ang storycon ng rom-com movie na wala pang title at si Mark Reyes ang director. Sa March na ang shooting at agad ipalalabas dahil alam ng mga producers na matagal nang naghihintay ang mga fans ng dalawa.

Ang malabong matuloy pa, ayon kay Popoy ay ang Nieves, pero sabi ni direk Mike Tuviera na nakausap namin sa presscon ng Panday Kids, tuloy pa rin ang project this year. Posible kayang hindi na si Marian ang bida nito?

* * *

Ngayong araw ang presscon ng Diva, ang musika-serye na tinatampukan ni Regine Velasquez at balik-tambalan nila ni Mark Anthony Fernan­dez. Halatang miss na ni Songbird ang umarte sa TV dahil ma­sipag siyang mag-tweet para magbi­gay ng update sa bago niyang TV pro­ject na magpa-pilot sa March 1, sa direksyon ni Do­minic Zapata.

Sa followers niya sa kanyang Twitter account unang ibinalitang guest ang BF niyang si Ogie Alcasid at sa latest tweet nito, tsinikang bukod kay Ogie, may special par­tici­pation din sina Jaya, Allan K., at Rufa Mae Quinto sa pilot episode.

Kasama rin sa Diva at makakaribal ni Regine kay Mark sa pagiging diva si Glaiza de Castro na sobrang tuwa at may kasamang nerbiyos na mapasama sa soap at ma­kaeksena si Regine na isa sa kanyang hina­hangaan sa industry.

Sana lang, walang ibang lakad si Regine at hindi nagmamadali dahil ang daming itatanong ng press sa kanya. Issues from Diva to SOP, hang­gang sa movie nila ni Aga Muhlach at sa paglipat umano niya sa TV 5.

* * *

May radio show sa DzMM ng ABS-CBN si Amy Perez, pero pina­yagan siya ng ABS-CBN management na tu­mang­gap ng TV show sa TV 5. Si Amy ang host ng show na hindi kami sure kung Deretsahan o Face to Face ang title.

Isa ang show ni Amy sa mga shows ng TV 5 na ia-announce sa trade launch at press launch na naka-schedule sa third week ng March.

Makaka-back-to-back ng show ni Amy ang isang running show ng TV 5 na palalakihin at may bagong dagdag na host. Hindi pa puwedeng banggitin ang show at kung sino ang host na madadagdag para hindi ma-preempt.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALLAN K

AMY PEREZ

DINGDONG DANTES

ENDLESS LOVE

LILY MONTEVERDE

MARIAN RIVERA

MARK ANTHONY FERNAN

MARK REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with