Angel ayaw ng fans sa Kokey
Sa halip na maibsan ang init ng pagtanggap ng tao sa tambalang Melissa Cantiveros at Jason Francisco, tila mas lalo pa itong nag-iinit. Katunayan, meron nang Melason fever na nagsisimula nang maramdaman.
It was the second time na mapuno ang studio ng The Buzz nang mag-guest ang Melason tandem. First time naman sa The Bottomline ni Boy Abunda na nagkaroon ng masaya at magaan na talakayan. Walang mahihirap at malalalim na tanungan kundi ang katotohanan sa relasyon ng dalawa. Totoo na ito at hindi bungang-isip lamang ng mga manunulat ng Kapamilya network para mapalawak pa ang programang Pinoy Big Brother.
Gawa-gawa lang ba ito ni Kuya para mas mabigyang kulay pa ang buhay sa loob ng kanyang bahay?
Ang programa ng dalawa na nagsimulang mapanood nung Lunes ng umaga sa ABS-CBN ay nagtala ng all time high rating. Dati nang pinanonood ang Wowowee na sinasabing nataasan na sa ratings game ng Showtime. Pero ang 30 minutong programa ng tambalang Melason proved to be a perfect programmer to both Showtime and Wowowee.
Nagsisimula pa lamang ang Melason fever. Kung maalagaan sila ng Kapamilya network sa pamamagitan ng tamang mga proyekto, magtatagal pa sila. Pero kapag hindi, bibilang lamang tayo ng linggo o matagal na yung ilang buwan at mararamdaman na nila, at maging tayo, ang pagpawi ng init sa tambalang isinilang lamang sa isang programa at tulad sa apoy ay madaling naparam ang lagablab.
* * *
Ecstatic si Pokwang, pumapatok kasi sa manonood ng TV ang kakaibang tambalan nila ni Jason Abalos sa Your Song Presents Love Me, Love You, napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN, pagkatapos ng ASAP.
“Nakakatuwa siyempre na tanggap at nae-enjoy ng mga tao ang panonood sa amin ni Jason,” pahayag ni Pokwang.
Samantala sa mga susunod na tagpo sa Your Song, papasok na sa paaralan si Lovely (Pokwang). May dalawang lalaking manliligaw sa kanya ngunit sa kalaunan ay matutuklasan niya na sa pera lang pala interesado ang dalawa.
Sa kabilang dako, unti-unti nang mahuhulog ang loob ni Javier (Jason Abalos) dahil sa taglay na kabusilakan ng puso ni Lovely.
Sa darating din na episode ay iba’t ibang Kapamilya stars ang sasali sa kuwento ng pag-ibig ni Lovely : Melissa Ricks, Sam Milby, Gerald Anderson at Maja Salvador.
* * *
Marami palang fans si Angel Locsin na tutol na mapasali ito sa seryeng Kokey. Mas feel nila na mauna ang kanilang magandang idolo sa serye na gagawin nito kasama si John Lloyd Cruz kesa sa serye ng tungkol sa isang taga-outer space, kahit pa raw naging sikat na serye ito nun. Palagay nila, masasayang lamang ang talent ni Angel sa nasabing serye.
Ganun?!
- Latest