^

PSN Showbiz

Jolina 'best' ang tingin sa dyowang drummer

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Wala pang pangalan ang restaurant nina Jolina Magdangal sa Tagaytay City na inaa­si­ka­so ng amang si Mr. Jun Magdangal. Hindi simpleng resto ito dahil may gift shop at spa, at coun­try style ang concept. Baka sa Holy Week ito magbukas at ang balak i-contribute ni Joli­­na sa menu ay ang natutunang grilled spare ribs mula sa manager niyang si Perry Lan­sigan.

Nag-taping na si Jolina ng Panday Kids pero sa Quezon City lang ang location niya at wish nitong sa Zambales siya kunan para mas feel niya ang telefantaserye na ngayon lang niya gagawin. Kahit marami ang nagne-nega sa pagtanggap niya ng project, excited at happy si Jolina na sa kanya ibinigay ang role ni Ola na dating engkanto at love interest ni Akihiro Sato.

Sa bagong image ni Jolina, curious ang marami kung aprubado ba ito sa BF niyang si Mark Escueta at heto ang sabi ng dalaga: “Napaka-supportive niya sa mga decision ko. Natawa ako sa tanong niya kung kailangan daw ba niyang magbihis gaya nang ginagawa ko. Ang tagal ko ring ’di nakarinig ng comment na ‘cute mo naman’ na sabi niya ng first time niya akong makita.”

Serendipity ang love story nina Jolina at Mark dahil naalala ni mommy Pauline Magda­ngal na nagkita na ang dalawa sa Ang TV days pa. Nagkasama rin sila sa show sa Taiwan, pero last year lang sila nagkagustuhan. Ang buod ng love story nina Jolina at Mark ay mababasa sa May edition ng YES! magazine.

“Best” ang one-word descrip­tion ni Jolina sa boyfriend.      

* * *

Big winner sa Starstruck V at tinanghal na Ultimate Male and Female Survi­vors sina Steven Silva at Sarah Lahbati sa Final Judgment last Sunday sa Araneta Coliseum. Nag-uwi sila ng P1.5 million cash at worth P3.5M-guaranteed contract sa GMA Network.

Masaya ang dalawa at ’di ini-expect na manalo lalo na si Steven dahil college boy lang daw siya na mahilig magluto, kaya kumuha ng culinary arts pero ngayon, nasa showbiz na.

Si Enzo Pineda ang 1st Prince at 1st Princess si Diva Montelaba at si Roc­co Nacino ang 2nd Prince na ’di naniwalang umepekto ang “oust” Rocco campaign ni Rox Montealegre. Balak ituloy ng tatlo ang kanilang showbiz career.

May konting problema lang dahil si Enzo, crush si Sarah, at si Steven gustong ligawan si Diva, pero sina Sarah at Steven ang mga winners. Maganda siguro kung i-build up na solo artist ang dalawa para puwede silang ipareha kahit kanino.

* * *

Kinunan noong Sabado sa Lion Air PADC Hangar V sa Domestic Airport ang music video ng song ni Gary Valen­cia­no na How Can I at guest sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. May kissing scene ang dalawa na ’di naman siguro pagseselosan ni Oyo Sotto dahil friends na lang sina Echo at Kristine. Si Paul Soriano na BF ni Toni Gonzaga ang director ng music video.

Kahapon, umalis si Gary for the second leg of AS 1 concert nila ni Martin Nievera. Sa Feb. 25, mapapanood siya sa buong USA via 700 Club at kakan­tahin ang sariling composition entitled Oh.

* * *

Nanalong best picture ang Walang Hanggang Paalam sa ginanap na 1st Soho International Film Festival sa New York. Tampok dito sina Lovi Poe, Jacky Woo, at Joem Bascon sa direksyon nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos.

Suwerte yata ang pagsunod ni Rep. Ronald Singson kay Lovi dahil nanalo ang pelikula ng dalaga. Bukas, Feb. 24, ang balik ng dalawa from New York.

AKIHIRO SATO

ARANETA COLISEUM

DIVA MONTELABA

DOMESTIC AIRPORT

ELLEN RAMOS

ENZO PINEDA

JOLINA

NEW YORK

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with