“Going home na. Will rest till Wednesday. My head still feels heavy but I was able to sleep/rest a lot. Baby James was saying, ‘Wawa mama... punta na sa heaven.’ I told Bimby (Baby James) — ‘Aapihin ko muna all your future GF’s so no heaven for me yet!’ update ni Kris Aquino kahapon sa kanyang Twitter account.
Nabagok ang ulo ng TV host-actress last Friday while scrubbing her legs nang ma-off balance siya.
Grabe ang bagsak niya kaya kinailangan siyang dalhin sa hospital. Umabot din sa 180/100 ang blood pressure ni Kris.
Three days siyang namalagi sa Makati Medical Center.
* * *
Napanood ko sa review ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Bakal Boys last week.
Bakal Boys – kuwento ng mga batang magba-bakal sa Baseco.
Simple lang ang kuwento ng pelikula. Isang grupo ng mga batang nabubuhay sa pamumulot ng bakal sa nasabing lugar dahil sa kahirapan ng buhay.
Minsan ay naka-jackpot sila ng mabigat-bigat na bakal na hirap na hirap silang iahon sa tubig matapos nilang masisid ang isang part ng lumubog na barko. Dinala nila sa isang junk shop, ang siste, binarat naman sila ng may-ari nito na chairman ang tawag nila na ewan ko kung totoong chairman ng kanilang barangay.
Ganun lang ang buhay nila.
Pero ang siste, naibenta nga nila ang bakal, nawala naman ang isa nilang kasama, si Utoy.
Akala nila ay kung saan lang ito nagpunta, pero lumipas ang ilang araw ay hindi nila ito nakita.
Sa grupo, meron siyang isang super best friend na pilit na naghahanap sa nawawala niyang kaibigan.
Pati ang lola (Gina Pareño) ni Utoy ay humingi na ng tulong kay Allah pero talagang hindi siya makita.
Kaya ang pobreng bata na kaibigan ng nawawala, desperado sa paghahanap. Kung saan-saan na siya nagpunta, pero talagang wala ang kaibigan.
Ayun, ang ending ng movie, sumisid siya sa pag-asang makikita niya ang nawawalang kaibigan sa tubig na si Utoy.
Mapapanood sa SM Cinema ang nasabing pelikula na akala pala noong una ay bold movie.
Pero ipinaliwanag nila sa pamunuan sa sinehan na tungkol ito sa mga batang lumalangoy sa dagat para makasisid ng mga bakal at maibenta sa napakamurang halaga. Mga batang nasusugatan, nasasaktan, nagkakaroon ng skin irritation, nabibingi, at minsan ’yung iba ay namamatay.
Mga totoong metal diver (6 to 16 years old) ang ginamit sa movie na dumaan sa audition sa Baseco Compound kaya natural ang acting nila. Parang wala sila sa harap ng camera. Si Utoy ay si Meljun Guinto sa tunay na buhay na bida rin sa political TV ad ni Sen. Manny Villar na Naligo Ka Na Ba sa Dagat ng Basura. No read, no write daw ang batang ito pero pinag-aaral ngayon ng producer ng Bakal Boys.
Graded A ng CEB ang Bakal Boys (Children Metal Divers) na ipapalabas sa March 10. Ini-endorso ito ng Department of Education.
Producer ng pelikula sina Bessie Badilla at Albert Almendralejo ng Apogee Productions, Inc. in cooperation with Film Development Council of the Philippines (FDCP) and National Commission on Culture and Arts (NCCA).
Ang naturang pelikula ay naging best picture ng Cinemalaya/ NETPAC 2009 award at the CCP and won the Cipputti Award for best picture at the Torino International Film Festival and special citation in Thessaloniki and Vancouver International Film Festivals.
Isang pelikulang tungkol sa kahirapan ng buhay.
Oras na panoorin mo ito, depression ang mararamdaman mo dahil ang daming pera ng mga pulitikong kumakandidato pero ang mga batang sana ay tulungan na lang nila ay ayun, nagpapakahirap sa pamumulot ng bakal na ibinibenta sa kakapiranggot na halaga.
Isang film docu ang Bakal Boys na dinirek ni Ralston Jover.