Ruffa nakarma kay Aiai

MANILA, Philippines - Sino nga kaya ang nakabalikan ni Ruffa Gutierrez na ibinuking ni Ms. AiAi delas Alas sa The Buzz kahapon?

Ayun walang nasabi si Ruffa kundi “really.”

Si John Lloyd Cruz kaya ang sinasabi niyang naka­balikan ni Ruffa?

Ganun.

Ni hindi nga sila umamin na nagkaroon sila ng something eh.

Pero super promote si Ruffa ng movie nina John Lloyd at Bea Alonzo sa tweeter ha.

Anyway, nag-tweet si Ruffa after ng The Buzz : “Gosh nakarma ata ako sa kakatawa ko yesterday! It was my turn to get roasted on the Buzz by BF, Ai Ai delas Alas! I’m soooo red now!”

Yesterday kasi ay judge siya sa Talentadong Pinoy at panay ang tweet niya na sobra siyang nata­tawa.

Pero hindi siya umubra kay AiAI kahapon.

* * *

Isa nang mistah si Kris Aquino.

Ito ay matapos mapagkasunduan ng Ma­pitagan Class of 1980 ng Philippine Military Aca­demy (PMA) na kupkupin ang apat na ka­patid na babae ni Liberal Party (LP) standard-bearer Noynoy Aquino na sina Ballsy, Pinky, Viel, at Kris bilang honorary members o mistahs bilang pagki­lala sa yumaong dating pangulo na si Co­razon Aquino.

“It was a decision of the whole class,” sabi ni Ma­pitagan Class president Philippine National Po­lice (PNP) Chief Superintendent Victorio Ca­ragan.

Nauna na raw ang induction kay Ballsy Aquino-Cruz, ang pinakamatanda sa apat na magka­kapatid na babae, sa opisina ng Public Safe­ty Mutual Benefit Fund sa Quezon City noong Peb. 15.

Nangyari naman ang induction kay Pinky Aquino-Abellada noong Biyernes sa Baguio Country Club samantalang magiging opisyal na Mapitagan Class mistahs sina Viel Aquino-Dee at Kris Aquino-Yap matapos ang selebrasyon ng ika-24 anibersaryo ng People Power Revolution.

Nasa buong burol ng dating pangulo ang mga miyembro ng Class of 1980 na sina Police chief superintendents Leo Kison, Roque Ramirez, Ager Ontog, Jufel Adriatico, at Police senior superintendent Silvestre Primero

Sinabi ni Pinky na naging takot siya sa militar nang ikulong ng dating pangulong Ferdinand Mar­cos ang kanyang yumaong ama na si Sen. Ninoy Aquino.

“We really owe so much to the military. You really saved us from all of those coup attempts. We are alive today because of our dear friends in the military. We have a very special place in our hearts for the members of the Presidential Security Group (PSG),” aniya.  

* * *

 Inamin na raw ni Aljur Abrenica kelan lang na mahal na mahal niya si Kris Bernal at sa sob­rang saya, nauwi sa halikan ang pag-amin nila!

Matagal na pala nilang nararamdaman ang at­raksyon para sa isa’t isa pero dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila at sa mga nang­ya­yari sa buhay nila Aljur at Kris, hindi nila ito agad maamin.

Hin­di na pala napigilan ni Aljur ang pag-amin sa nararamdaman sa takot na mawala muli sa kan­ya si Kris. Pero isang malaking problema ang haharapin ni Kris dahil matapos ang halikan, iiwan ni Aljur ang kanyang girlfriend.

Parang totoo. Timing sa paglabas ng issue na split na sina Aljur at totoong girlfriend niyang si Rich Asuncion.

Pero teka, hindi pala sa totong buhay ito. Babalik pala sa dating anyo niya bilang Prinsipe Almiro si Aljur at mawawala na ang sumpa. Sobrang saya ni Almiro samantalang hindi naman maka­paniwala si Lara (Kris) na si Almiro at Ramil ay iisa!

Ang hindi alam ng bagong magkasintahan na hindi pa tapos ang malaki nilang problema – hihigupin si Prinsipe Almiro pabalik ng Paladino pati na rin sina Anexi (Paolo Ballesteros), Dama Rosata (Chanda Romero), Onuro (Fran­cis Magundayao) at pati na ang bahay saman­talang maiiwan naman mag-isa sa baybayin si Lara.

Anong buhay ang naghihintay kay Lara ngayong iniwan siya ng kasintahang prinsipe pala?

Wait natin sa The Last Prince sa GMA Telebabad.

Show comments