Kung kailan pa may krisis na kinakaharap ang isang aktres ay saka naman siya nawalan ng regular show na pinagkakakitaan. Kaya panawagan niya: bigyan siya ng trabaho, mapa-kung saang network.
Inugat ko ang dahilan why she no longer appears in a weekly TV show. Wala tayong kamalay-malay, noon pa palang December 2009 nagpaalam ang aktres sa palabas na ‘yon.
Ang siste, may kakaibang ugali raw ang aktres na ito. Lima singko, kumbaga, ang salitang ‘tanga’ sa tuwing nagagalit siya sa staff o sa kanyang personal alalay. Bale ba, maging ang EP (executive producer) ng programa ay hindi nakaligtas sa kanyang pagtataray.
Mula sa kanyang isusuot hanggang sa script ay maraming reklamo ang aktres, bagay na habang tinatalakan niya ang pobreng staff ay dinig na dinig ito ng kanyang mga katrabaho.
Sa ngayon, halos manikluhod ang aktres, bigyan lang siya ng raket lalo’t higit na kailangan niyang tustusan ang matinding pangangailangan ng isang maysakit na kaanak.
As to her identity sabi nga ng isang radio tagline… kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!
* * *
Hangga’t maaari ay ayaw nang kaladkarin ng Star Magic artists na si Kristel Moreno ang pangalan ni Krista Ranillo, lest she be accused of using the latter to promote her launching movie, ang Pitas.
Ang isyu kasi sa dalawang K, inagaw daw ni Krista ang boyfriend ni Kristel, referring to the guy na siyang nagprodyus ng naturang pelikula.
“As much as possible, huwag na po nating pag-usapan si Krista,” pakiusap ni Kristel. At bakit? “Tumawag po kasi si Krista sa akin, umiiyak na nakikiusap na kung maaari raw po, huwag na siyang intrigahin. Bugbog-sarado na raw po kasi siya sa mga intriga.”
Teka, mas maganda sana kung ‘yung private phone conversation nila was made public by Krista, as in pleading with us na tantanan na siya ng mga intriga. But as it is, ang mga kaanak niya ang sumasalag sa isyu.
* * *
Tumanggi si Ricky Lo kahit kapiranggot lang niyang sasagutin sa Tweetbiz ang balitang paglipat niya sa TV5. “Huwag na lang, Ron,” lambing ni Tito Ricky, na nirespeto ko naman.
But backstage, inamin ng Philippine Star entertainment editor-columnist na kasado na nga ang kanyang crossover. Tatapusin lang niya ang kanyang hosting stint as Startalk the whole of March.
Sa ngayon, wala pang klarong ideya si Tito Ricky what his weekend show would be. Aminado ang kanyang Startalk family na malungkot ang balitang ‘yon, undeniably, malaking asset si Tito Ricky sa show lalo’t ang forte niya ay mga Hollywood interviews.
Ang maganda kay Tito Ricky, he never burns bridges.