^

PSN Showbiz

Ipe gusto pang gumanti

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mainit ang weather kahapon pero hindi ito naging sagabal para hindi tumambay sa harap ng Araneta Coliseum ang fans ng Starstruck V.

Mataas ang sikat ng araw nang pumunta ako sa Araneta Coliseum at ang fans na mati­yagang naghi­hin­tay sa pagbubukas ng mga gate ang naabutan ko.

Kanya-kanya ng drama ang mga taga­hanga na na­kita ko. May fans na blue, purple, orange, yellow, at green ang kulay ng mga pang-itaas na suot bilang suporta sa kanilang mga idol.

May mga bitbit sila na lobo na iba’t iba ang kulay with matching placards na parang su­sugod sila sa isang malaking rally.

Bilib ako sa suporta at tiyaga na ipinakikita ng fans. Kung wala sila, wala ang mga artista. Puwede naman nilang panoorin ang Final Judgment Night ng Starstruck pero pinili nila na pumunta, makipagsiksikan at pumila nang mahaba sa gates ng Araneta Coliseum. Saludo ako sa kanila ‘huh!

* * *

Bago ako pumunta sa Araneta Coliseum, nag-lunch muna ako sa Bellini’s isang di­narayong Italian restaurant sa Cubao.

First time ko na nagpunta sa Bellini’s na dati kong lang nababasa sa column ni Lucy Torres sa Philippine Star.

Totoo ang mga isinulat ni Lucy. Masarap ang pagkain sa Bellini’s at na­gus­tuhan ko ang orange cahe na original recipe ng misis ni Ro­berto Bellini, ang may-ari ng restaurant.

Bestfriend ng tatay ni Paolo Contis si Roberto. Ikinuwento sa akin ni Roberto na ma­dalas sa restaurant niya ang tatay ni Paolo noong nabubuhay pa ito.

Sinabi sa akin ni Roberto na hindi siya pumunta sa burol ng kanyang friend. Ayaw daw niyang makita na nakahiga sa ataol si Mr. Re­nato Contis. Gusto raw niya na manatiling buhay sa kanyang alaala ang tatay ni Paolo.

Nalungkot ako sa pakikinig sa kuwento ni Roberto. Feel na feel ko ang sobrang ka­lung­kutan niya sa pagkawala ng kanyang best­friend.

* * *

Sobrang dami ng story ng Startalk noong Sabado kaya hindi naipalabas ang exclusive interview kay Ruffa Gutierrez.

Nainterbyu ni Butch Francisco si Ruffa sa birthday party ni Senator Jinggoy Estrada. Ang sey ng isang witness sa interbyuhan portion, nakakaloka ang pag-uusap nina Butch at Ruffa dahil sa mga pinagsasabi nito.

Ayokong i-preempt ang exclusive story ng aming show. Abangan n’yo na lang ang Startalk sa susunod na Sabado dahil very intriguing ang kon­trobersiya na kinasasangkutan ni Ruffa.

* * *

Kung ako ang kaibigan ni Phillip Salvador, hindi ko siya papayuhan na mag-kontra demanda laban kay Cristina Decena.

Tama na ‘yung na-reverse ang desisyon ng Las Piñas City Trial Court na ikulong siya ng 20 years dahil sa estafa case na isinampa ng kan­yang ex-dyowa.

Si Ipe na rin ang nagsabi na maraming magaganda ang nangyayari ngayon sa kanyang buhay. Para sa akin, enough na ‘yung naabsuwelto siya sa kaso. Magpatawaran na lang sila ni Cristina, alang-alang sa kanilang nakaraan. I’m sure naman, marami rin silang ma­gandang pinagsamahan noong in love pa sila sa isa’t isa kaya mas mainam na mag-for­give and forget sila ‘di ba?

AKO

ARANETA COLISEUM

BELLINI

BUTCH FRANCISCO

CITY TRIAL COURT

CRISTINA DECENA

ROBERTO

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with