Kahit malaki ang problema, komedyante kayang magpatawa

Laughing on the outside, crying on the inside.

Ganito ang kalagayan ng isang radio-TV personality na may mabigat na dalahin sa buhay. Kargo niya ang kanyang nuwebe anyos na pamangkin, na sa murang gulang ay dinapuan ng cancer of the bone marrow.

Aminadong hindi sapat ang kanyang kinikita sa radyo at telebisyon, kulang pang pangtustos sa mahigit isang libong gamot kada linggo ng kaanak bukod pa sa regular check-up nito at masusustansiyang pagkain upang ito’y maging ganap na cancer-free.

Nauna rito, kasamang binuno ng ating bida sa kuwento ang kanyang mga kapatid para sa operasyon ng bata na umabot sa kulang-kulang P300,000. At kung saang kamay ng Diyos niya nalikom ang halagang ’yon, hindi niya alam.

To make both ends meet, pinapatulan niya ang anumang raket na matisod niya. Nariyang mag-PR siya ng pelikula (na hindi naman malimit), ngunit laking pasasalamat niya nang madagdagan ang pinagkukunan niya para sa mga pangangailangan ng pamangking maysakit.

Halos semi-regular na siya sa isang programa sa QTV (Channel 11), kasama niyang naghahatid ng mga showbiz balita ang mga taong orihinal na niyang naabutan doon. Sa mala-sitcom na palabas na iyon, hindi iniinda ng radio-TV personality kung gawin man siyang katatawanan. Kung sabagay, ’itsura pa lang ay hahagalpak ka na ng tawa, gaano pa kung bibirahin niya ng pagsasalita?

“’Yun ngang sinahod ko nung una, naipambili ko na ng gamot ng pamangkin ko na good for two months,” pagbibida niya sa kanyang mga katrabaho. “Naaawa lang kasi ako sa bata, sana ako na lang ang dinapuan ng cancer,” mangilid-ngilid ang luha sa kanyang mga mata.

“Okay, mag-roll na tayo,” sigaw ng direktor sa ’di-kalayuan, sabay tayo ng ating bida sa kanyang kinauupuan. Abruptly, he transformed into a jolly character. Sobrang taas ng kanyang energy level as though earlier ay hindi siya nagkukuwento ng kanyang masalimuot na buhay.

During take, he would burst into laughter. Isang buong show na siya kung maituturing na kumpleto sa rekado nang pagpapatawang sapat upang maibsan ang bigat na dala ng buhay.

Nakakahanga si Lito “Tolayts” Santos a.k.a. Shalala.

* * *

Kulay-pulitika ang kapana-panabik na episode ng Shall We Dance? show sa TV 5. Ngayong gabi, hosts Lucy Torres-Gomez gathers the country’s famed impersonators of colorful political luminaries.

Magtatagisan sa dance floor sina Willie Nepomuceno as Joseph Estrada, Tessie Tomas as Imelda Marcos, at Ate Glow as Gloria Macapagal-Arroyo.

May Super Showdown dance group competition pa and live remote instructional dance segment pa and live remote instructional dance segment pa by Regine Tolentino. Co-hosting the country’s undisputed dance search are John Estrada, Wilma Doesnt, Chokoleit, Arianna, Jon Avila, and Victor Basa.

Show comments