Pera ni German Moreno nauubos sa Walk of Fame

Wala talagang hindi gagawin si Kuya Germs para ma-sustain ang sinimulan niyang proyekto, ang Walk of Fame Philippines na apat na taon na niyang iti­nataguyod. Matatagpuan ito sa Eastwood Libis at may­roon nang mahigit sa 400 na pangalan ng mga ar­tista na nakapag-ambag para sa ikauunlad ng local entertainment.

Kaya pa rin naman ni Kuya Germs na itaguyod ang Walk of Fames Philippines kahit malakas itong umu­bos ng perang dapat ay itinatabi na niya para sa kanyang katandaan. Pero may nag-suggest na puwe­de naman niya itong ipagpatuloy nang hindi mabu­butas ang kanyang bulsa. Kailangan lamang ay mga fundraising projects, paggawa ng mga events na ang mabibiyayaan ay ang Walk of Fame Philippines nga.

Hindi marunong mag-golf si Kuya Germs, he’s not even athletic pero, knows niya na marami siyang mga kapwa artista na mahilig sa sport na ito kaya naisip niya ang pagdaraos ng Kuya Germs 1st Celebrity Golf Tournament na naglalayong maitatag ang Walk of Fame Philippines Foundation. Inc. Nakatakda itong ganapin sa Abril 23 sa Wack Wack Golf and Country Club.

Nagkaroon ng media launch ang Kuya Germs 1st Celebrity Golf Tournament nung Huwebes sa Teatrino Greenhills. Ang TA Talent Management & Events (TATM) ang nag-organisa ng event. 

Naimbita na sina Sen. Bong Revilla, Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tumawag sa 4673565/7999625/3924233/ 0919-8301697/0906-3571446/0932-9481539 Look for Car­lito /email ad: ta_talentmanagement@yahoo.com.

* * *

Hindi ko lang alam kung permanente ang pagbabalik ni Regine Tolentino sa Unang Hirit pero muli siyang nakita na nagri-report tungkol sa isang hot air balloon fiesta. In fairness parang established na si Regine bilang isang mahalagang bahagi ng UH at nang mawala siya ay kasama niyang nawala ang isang mahalagang sangkap ng programa. Now that she is back, parang sumayang muli ang programa. Sana huwag na siyang mawawalang muli.

Show comments