'Hindi pa tapos ang laban' - Goma

MANILA, Philippines - Nakita namin si Richard Gomez sa GMA Network noong isang araw. May recording at interview daw siya for Startalk. Palaban ang actor at ibi­nalitang magpa-file sila ng apela sa Supreme Court sa Monday para mabago ang desisyon na pagdi-disqualify sa kanya sa pagtakbong congressman ng Leyte.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Richard na papayagan siyang tumakbo at wish nito’y hindi mawalan ng pag-asa ang supporters niya. Kung susuriin lang daw ng COMELEC, wala siyang record na bomoto siya sa Mandaluyong City dahil last siyang bomoto sa Bulacan pa at Ormoc City na ang domicile niya. “Hindi pa tapos ang laban,” sabi ni Richard.

* * *

Isa si Raymond Gutierrez sa mga natsitsismis na GMA 7 talent na lilipat sa TV5 dahil after StarStruck V, ang Showbiz Central na lang ang show niya sa Channel 7. “Heard TV5 will be major this year with reports of a new studio at the Fort. It makes the local TV landscape more interesting. With Dolphy, Maricel, & Paolo B. signing on & many others following suit, I’m curious to see how TV5 will shake up the scene in 2010,” tweet niya.

Samantala, bukas sa Final Judgment ng StarStruck V sa Araneta Coliseum, makakasama ni Raymond na mag-host sina Carla Abellana at Dennis Trillo at ang former hosts ng StarStruck na sina Dingdong Dantes at Nancy Jane. Wala si Jolina Magdangal, bakit kaya? Guests sina Kyla, Jay-R, at Marian Rivera.

* * *

Suportado nina Mother Lily at Father Remy Monteverde ang reelection Senate bid ni Sen. Lito Lapid dahil ang Regal ang nag-sponsor ng presscon. Sa kanyang speech, kinuwento rin ng lady producer ang simula ng senador at kung paano nila ito tinutulungang mag-asawa sa showbiz at ngayon ay political career. (Nitz Miralles)

Show comments