Jennylyn at Dennis ayaw ng fans

Seen : Hindi memoryado ng ilang miyembro ng Masculados Dos ang lyrics ng Jumbo Hotdog, ang kanta na pinasikat ng original members ng Mas­cula­dos.

Scene : Ang disqualification ng kandidatura ni Richard Gomez  bilang kongresista ng District 4 ng Ormoc City. Oras na para tanggapin ni Richard na hindi siya pampulitika. Tatlong beses nang nabibigo si Richard sa kanyang tangka na pasukin ang mundo ng pulitika.

Seen : Nabababawan ang mga nakatira sa Ormoc sa paliwanag ni Richard Gomez na residente siya ng 4th district dahil dumadalo siya sa mga piyesta at nag-aanak sa mga kasal doon.

Scene : Magkakaroon si Cristy Fermin ng sariling showbiz talk show sa TV5.

Seen : Hindi masyadong mataas ang rating ng Gumapang Ka Sa Lusak. Hindi tanggap ng mga tao ang tambalang Jennylyn Mercado at Den­nis Trillo. Hindi nag-rate noong 2006 ang afternoon soap na kanilang unang pinagsa­mahan, ang Dangal episode ng Now & Forever.

Scene : Isang episode ng Precious Hearts ang unang show nina Melissa Cantiveros at Jason Fran­cisco sa ABS-CBN. Makakasama nila sina Maja Salvador at Sam Milby.

Seen : Si Jose Manalo sa presscon ng Pan­day Kids. Hindi nagsalita si Jose tungkol sa mga kaso na kinasasangkutan nila ng kan­yang asawa.

Show comments