Talent manager sagad hanggang buto ang galit sa dating alaga

This Friday, February 19 naka-schedule ang first taping day ni Claudine Barretto ng kanyang drama anthology sa GMA 7. Pero wala kaming nabasa sa Twitter account ng aktres tungkol sa taping, kaya baka hindi matuloy.

Si Claudine rin kasi ang nagbalitang sa nabanggit na petsa na siya magsisimulang mag-taping at sob­rang excited na ito na muling magtrabaho. Sa­kaling hindi matuloy ang taping, gagamitin ang araw para sa pictorial ng aktres para sa kanyang drama anthology.

Four episodes in advance ang sunud-sunod na iti-tape ni Claudine ng kanyang drama anthology at isa sa mga guests sa four episodes ay si Dingdong Dantes. Sayang at hindi puwedeng mag-guest si Mark Anthony Fernandez sa drama anthology ni Claudine dahil galit ang aktres sa kanya at ayaw na niya itong makatrabaho pa.

* * *

Kaiinisan si Gelli de Belen ng viewers ng Panday Kids sa role niyang si Ro­san­na, ang malupit na ina ni Oliver (Buboy Villar). Katakut-takot na pang-aapi at pagpapahirap ang gagawin ng karakter niya sa batang aktor, kaya inihahanda na ng TV host-actress ang galit ng viewers.

Off-camera, puring-puri ni Gelli si Buboy dahil ngayon lang siya may nakasamang child actor na sobrang dedicated, focus, masipag at walang reklamo. “Highly gifted” ang description ni Gelli kay Buboy na masaya namang makatrabaho “ang isang magaling na aktres” dahil alam na marami siyang matututunan.

Samantala, pagdating ng February 28, dalawa na ang shows ni Gelli sa GMA 7 dahil siya ang host ng Zooperstars na tungkol sa iba’t ibang klase ng hayup. Masaya raw ang show at makakasama niya sina Julian Trono at Sabrina Man na nasa cast din ng Panday Kids. 

* * *

Matindi ang galit ng talent manager sa dati niyang alagang aktor na umalis sa kanyang poder kaya gagawin nito ang lahat para mawalan ng career ang aktor. Kinausap nito ang mga kaibigang manager para ‘wag tanggapin ang aktor ‘pag lumapit sa kanila at magpa-manage.

Kinausap na rin ng talent manager ang network kung saan may kontrata ang aktor at ipinatitigil ang kontrata, pero hindi pala puwede. Kailangang tuparin ng network ang kontrata dahil kung hindi, baka sila ang mademanda.

Isa sa mga araw na ito, malalaman din kung bakit naghiwalay ang talent manager at ang alagang aktor at siguradong mai-interview sila ng mga showbiz talk show. Sino kaya sa kanila ang magsasabi ng totoo?

* * *

Ang tambalan nina Jennica Garcia at Carl Guevarra at Survivor Philippines : Palau loveteam nina Marvin Kiefer at Jef Gaitan ang tampok sa next episode ng Dear Friend na mapapanood after Almost A Love Story episode nina Rhian Ramos at TJ Trinidad.

* * *

Sa pagtatapos ng Darna, hahampasin ni Consuelo (Janice de Belen) si bad Darna (Katrina Halili) at darating ang real Darna (Marian Rivera) para tulungan si Consuelo na gustong patayin ng sariling anak.

Haharapin ni good Darna si bad Darna at ang dalawa ang maglalaban. Good Darna versus bad Darna, paano matatalo ni good Darna si Serpina na ginaya ang kanyang hitsura?

Show comments