Pamanhikan gusto pang ilihim nina Marian at Dingdong

Dahil sa Panday Kids, maraming bata ang madi­diskubre. At kung ang pagku­kunan nila ng halimbawa ay si Robert Villar, higit pa sa inspirasyon ang makukuha nila. Dahil bukod sa maimpok ito, may mga magulang na talagang sumusubaybay at nag­sisinop ng pinaghihirapan niya. At huwag nating kali­limutan na may talento siya.

Hindi siya sa acting nagsimula kundi sa singing pero, ngayon kinikilala siyang isa sa pinaka-mahusay na child star ngayon at most in demand.

* * *

Bakit kaya hindi masagot ng diretso either ni Marian Rivera o Dingdong Dantes kung may pamamanhikan mang naganap sa pagitan ng ama at boyfriend ng aktres when they went to visit him in Spain recently? Hindi na naman kaila sa lahat ang tunay nilang relasyon. Are they still playing it safe? Baka naman magtampo na ang mga fans sa kadi-deny ng dalawang ito.

Hindi naman siguro gawain ng magkaibigan o magka-loveteam lamang yung bakasyon na ginawa nila. Sino naman kaya ang magsa-suffer kung sakaling umamin sila?

Appreciated na ng tao ang truthfulness sa mga artista.

* * *

Sana mangyari rin kay Kristel Moreno yung pagki­lala na ibinigay ng maraming movie followers kay Lovi Poe after lumabas ito ng isang offbeat role sa Sagrada Familia. Tumaas ang lebel ng pagiging artista ng anak ni FPJ matapos lumabas sa nabanggit na pelikula.

Yung prodyuser ng Sagrada Familia ay may ika­lawang pelikula na ginawa, ang Pitas nga na nag­tatampok naman sa title role ang pamangkin ni Alma Moreno na si Kristel Moreno, isang dating Sexbomb wannabe na kumabilang bakod, sa ABS-CBN para maka­hanap ng mas magandang opor­tunidad. Hindi na­man siya nagkamali.

Sa patnubay ng Star Magic, nakikilala na si Kristel.

Show comments