Pamanhikan gusto pang ilihim nina Marian at Dingdong
Dahil sa Panday Kids, maraming bata ang madidiskubre. At kung ang pagkukunan nila ng halimbawa ay si Robert Villar, higit pa sa inspirasyon ang makukuha nila. Dahil bukod sa maimpok ito, may mga magulang na talagang sumusubaybay at nagsisinop ng pinaghihirapan niya. At huwag nating kalilimutan na may talento siya.
Hindi siya sa acting nagsimula kundi sa singing pero, ngayon kinikilala siyang isa sa pinaka-mahusay na child star ngayon at most in demand.
* * *
Bakit kaya hindi masagot ng diretso either ni Marian Rivera o Dingdong Dantes kung may pamamanhikan mang naganap sa pagitan ng ama at boyfriend ng aktres when they went to visit him in Spain recently? Hindi na naman kaila sa lahat ang tunay nilang relasyon. Are they still playing it safe? Baka naman magtampo na ang mga fans sa kadi-deny ng dalawang ito.
Hindi naman siguro gawain ng magkaibigan o magka-loveteam lamang yung bakasyon na ginawa nila. Sino naman kaya ang magsa-suffer kung sakaling umamin sila?
Appreciated na ng tao ang truthfulness sa mga artista.
* * *
Sana mangyari rin kay Kristel Moreno yung pagkilala na ibinigay ng maraming movie followers kay Lovi Poe after lumabas ito ng isang offbeat role sa Sagrada Familia. Tumaas ang lebel ng pagiging artista ng anak ni FPJ matapos lumabas sa nabanggit na pelikula.
Yung prodyuser ng Sagrada Familia ay may ikalawang pelikula na ginawa, ang Pitas nga na nagtatampok naman sa title role ang pamangkin ni Alma Moreno na si Kristel Moreno, isang dating Sexbomb wannabe na kumabilang bakod, sa ABS-CBN para makahanap ng mas magandang oportunidad. Hindi naman siya nagkamali.
Sa patnubay ng Star Magic, nakikilala na si Kristel.
- Latest