^

PSN Showbiz

Diskuwalipikadong tumakbo, Richard mag-aapela sa COMELEC En Banc

-

MANILA, Philippines - Diniskuwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) sa congressional race kahapon ang sikat na aktor at TV host na si Richard Gomez. Ayon sa promulgasyon kahapon ng COMELEC First Division, “lack of residency” ang naging dahilan.

Pinanigan ng poll body ang petisyon na inihain ni Buenaventura Juntilla, dating barangay chair­man ng Barangay Libertad, na humihiling na hindi maisama si Gomez sa halalan ngayong Mayo. 

Sinabi ni Juntilla sa kanyang petisyon na hindi nakasunod si Gomez sa residency requirements na hinihingi ng batas para makatakbo ito bilang kinatawan ng nasabing distrito.

Iginiit ni Juntilla na nang ihain ni Gomez ang certificate of candidacy (COC) nito sa COMELEC ay wala pa itong isang taon na naninirahan sa Can Adien, Ormoc City. Sa halip ay sinabi nitong sa East Greenhills, San Juan nakatira ang aktor.

Binigyan naman ng COMELEC si Gomez ng limang araw para iapela ang nasabing desisyon sa Comelec en banc.

Tiniyak ng abogado ni Gomez na si Atty. Raymund Cajucom na kaagad silang maghahain ng motion for reconsideration sa resolusyon ng poll body.

Sabi ni Atty. Cajucom, “Para sa mga mamamayan ng Ormoc, hindi pa ito final, temporary setback lang ito kay Richard Gomez. Ipaglalaban niya ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan ng Ormoc, tuluy-tuloy ang laban.”

 Iginiit ng kliyente niyang si Gomez na mas marami siyang panahong inilagi sa Ormoc, probinsiya ng asawang si Lucy Torres-Gomez, kesa Manila simula pa 2007. Itinuturo ng aktor ang kalaban sa pulitikang si Winnie Codilla na siyang nasa likod ng disqualification case na isinampa.

BARANGAY LIBERTAD

BUENAVENTURA JUNTILLA

CAN ADIEN

EAST GREENHILLS

FIRST DIVISION

GOMEZ

IGINIIT

JUNTILLA

ORMOC

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with