Aktres napilitang mag-resign para mawala ang stress

Ang EP ng iniwang show ang nakabangga ng isang aktres, kaya masakit man sa loob at kahit kaila­ngan niya ng pera at may malaki siyang gas­tusin na hinaharap, ginusto pa ring mag-resign. Ang mawala ang stress at problema ang kapalit nang pagre-resign ng aktres sa show na matagal din niyang nilabasan at kanyang minahal.

Pinigilan ng mga kasama sa show ang aktres na mag-resign dahil matagal na silang magka­kasama. Ipi­­naliwanag ng aktres sa mga kaibigan ang kanyang sitwasyon at naintindihan siya ng mga ito.

Pa-guest-guest muna ang aktres ngayon at uma­asang mabibigyan ng regular show sa malapit na hi­na­harap dahil kailangang-kailangan niya ng pera para sa kanyang pamilya.

* * *

Hindi lang si Kris Aquino ang nagtanggol kay Ju­dy Ann Santos sa ipinahayag ni Sen. Jamby Mad­­­rigal sa pagkuha ng celebrity endorsers ng mga kan­didato. Pati ang kaibigang si Iza Cal­zado ay nag-react din at ipi­nagtanggol si Judy Ann.

Tweet ni Iza: “FYI: I don’t think you would have won in the 2004 election if not for Judy Ann. At least be grateful about it. Juday forever!”

Samantala, gina­gam­pa­nan ni Iza ang role ni Ma­ria Maki­ling sa Pan­day Kids, Reyna ng Kaguba­tan at mga Eng­kanto.

Tuwang-tuwa ang aktres dahil kasama rin siya sa Panday movie ni Sen. Bong Revilla at nga­­yon, sa TV version na mga bata ang bida.

Pinasasalamatan ni Iza ang staff ng Panday Kids dahil alaga siya sa pagkain at nag-utos pa raw ang staff na ibili siya ng lettuce para sa kan­yang salad gayung mala­yo ang location nila.

* * *

Tumawag si Tess Gu­bi ng Star Magic para ibalitang hindi ma­tu­tuloy sa musical na Flower Drum Song si Piolo Pas­cual na na­sulat na­min kahapon. Conflict ng sche­dule ng aktor ang rason kung bakit hindi nito natang­gap ang offer ng Cul­tural Center of the Philip­pines to portray the role of Ta sa na­banggit na musical na tatakbo from October to November.

Show comments