Alyssa problemado sa raket sa eleksiyon

Hindi pa nakuntento sa kanyang ibi­nigay na pa­nig sa isang entertainment website (through her Face­book ac­count, na ewan kung siya nga ang nag­­­sulat), Ara Mina issued another kilo­metric sta­te­­ment addressed to Startalk regarding the raging con­troversy bunga ng edited video clip ng kanyang interview on the ANC.

Nasa binyag ng mga oras na ’yon si Ara, dala­wang gap ang tinalunan ng dapat sana’y pag­bibi­gay-daan sa kanyang side, na ewan kung siya uli ang nagsulat. Regardless whoever Ara com­mis­sioned to do her statement, sorry, she missed the whole point.

Ipinagdidiinan ni Ara na hindi siya sanay sa mga political interviews as conducted by DJ Mo Twister. Pero the fact na inimbitahan siya ng ANC (which stands for ABS-CBN New Channel), huwag niyang sabihing promo guesting ’yon para sa kan­yang current movie. Dapat sana’y na-anticipate niya ang mga tanong na may kaug­nayan sa natio­nal issues, na dalawang choices lang naman ang kanyang pagpipilian: For or against.

And knowing fully well na si DJ Mo ang mag-i-interview, Ara should have anticipated what the discussion would be like. Hindi si Tita Swarding ang nag-iinterview sa kanya, ’no!

Enough of palusot, Ara. It’s either you’re pretty or you’re dumb.

* * *

Kristel Moreno is not necessarily a showbiz upstart, limang taong gulang pa lang pala siya nung lumalabas na siya sa mga proyekto ni direk Joey Romero. Pamangkin din siya ni Alma Mo­reno, that alone is her half-entry to showbiz.

Like her aunt Ness whose launching movie was Ligaw na Bulaklak, literally ripe for the picking ang pamagat ng baptism of fire ni Kristel, ang Pitas, an indie film by direk Joey. Pero hindi pa man ga­nap na hinog si Kristel (who strikes as a prettier, younger version of Mutya Crisos­tomo) sa showbiz, heto’s nakakaladkad ang kanyang pa­ngalan sa umano’y boy­friend-grabbing involving Kris­ta Ranillo.

Nilinaw nga ng naturang Star Magic artist na never niyang inagawan si Krista ng nobyo (outside the presscon venue stands a tarpaulin of Mat Ra­nillo III, Krista’s dad). At kung naging nobyo man niya kung sinuman ’yon, tiniyak niya na wala itong sabit, or at the very least, karelasyon ni Krista.

Pero kung si Jinkee Pacquiao marahil ang ta­ta­nungin, hindi siya maniniwalang si Krista ang ina­gawan ng boyfriend.

* * *

Problemado ang Startalk host na si Alyssa Alano sa provision ng Fair Elections Act na inihain ng Comelec ang pinal nang pagbabawal sa mga ce­lebrity endorsers ng mga kumakandidato.

Of course, hindi lang naman si Alyssa ang ’ika nga’y mawawalan ng raket during this lucrative season.

‘‘Pero sayang naman lalo pa’t Startalk lang naman ang regular job ko,’’ malungkot na sambit ni Alyssa.

Show comments