Alyssa problemado sa raket sa eleksiyon
Hindi pa nakuntento sa kanyang ibinigay na panig sa isang entertainment website (through her Facebook account, na ewan kung siya nga ang nagsulat), Ara Mina issued another kilometric statement addressed to Startalk regarding the raging controversy bunga ng edited video clip ng kanyang interview on the ANC.
Nasa binyag ng mga oras na ’yon si Ara, dalawang gap ang tinalunan ng dapat sana’y pagbibigay-daan sa kanyang side, na ewan kung siya uli ang nagsulat. Regardless whoever Ara commissioned to do her statement, sorry, she missed the whole point.
Ipinagdidiinan ni Ara na hindi siya sanay sa mga political interviews as conducted by DJ Mo Twister. Pero the fact na inimbitahan siya ng ANC (which stands for ABS-CBN New Channel), huwag niyang sabihing promo guesting ’yon para sa kanyang current movie. Dapat sana’y na-anticipate niya ang mga tanong na may kaugnayan sa national issues, na dalawang choices lang naman ang kanyang pagpipilian: For or against.
And knowing fully well na si DJ Mo ang mag-i-interview, Ara should have anticipated what the discussion would be like. Hindi si Tita Swarding ang nag-iinterview sa kanya, ’no!
Enough of palusot, Ara. It’s either you’re pretty or you’re dumb.
* * *
Kristel Moreno is not necessarily a showbiz upstart, limang taong gulang pa lang pala siya nung lumalabas na siya sa mga proyekto ni direk Joey Romero. Pamangkin din siya ni Alma Moreno, that alone is her half-entry to showbiz.
Like her aunt Ness whose launching movie was Ligaw na Bulaklak, literally ripe for the picking ang pamagat ng baptism of fire ni Kristel, ang Pitas, an indie film by direk Joey. Pero hindi pa man ganap na hinog si Kristel (who strikes as a prettier, younger version of Mutya Crisostomo) sa showbiz, heto’s nakakaladkad ang kanyang pangalan sa umano’y boyfriend-grabbing involving Krista Ranillo.
Nilinaw nga ng naturang Star Magic artist na never niyang inagawan si Krista ng nobyo (outside the presscon venue stands a tarpaulin of Mat Ranillo III, Krista’s dad). At kung naging nobyo man niya kung sinuman ’yon, tiniyak niya na wala itong sabit, or at the very least, karelasyon ni Krista.
Pero kung si Jinkee Pacquiao marahil ang tatanungin, hindi siya maniniwalang si Krista ang inagawan ng boyfriend.
* * *
Problemado ang Startalk host na si Alyssa Alano sa provision ng Fair Elections Act na inihain ng Comelec ang pinal nang pagbabawal sa mga celebrity endorsers ng mga kumakandidato.
Of course, hindi lang naman si Alyssa ang ’ika nga’y mawawalan ng raket during this lucrative season.
‘‘Pero sayang naman lalo pa’t Startalk lang naman ang regular job ko,’’ malungkot na sambit ni Alyssa.
- Latest