MANILA, Philippines - Araw ng mga Puso noong Linggo at talaga namang kulay rosas ang kapaligiran. Ilan sa mga celebrity couples na nagdiwang ay ang magnobyong sina Pia Guanio at Vic Sotto. Pagkatapos magsimba ay nag-dinner sila.
Ayon sa magandang TV host, araw-araw naman sa kanila ay Valentine’s Day dahil ipinakikita nila ang pagmamahal sa isa’t isa seven days a week.
Ganumpaman, malabo pa rin ang pagpapakasal nina Vic at Pia dahil nag-e-enjoy pa sila bilang magnobyo.
* * *
Hindi mahilig sa magagarang bag at damit si Jennica Garcia at lahat ng kinikita nitong pera ay diretso sa bangko. Okay lang sa kanya na gumamit ng second hand na bag na hinihiram lang sa kanyang mommy para makatipid.
Alam nito ang kiliti ni Jean Garcia kaya kapag nagkakatampuhan sila ay madali niyang ma-patch up. Maglalambing lang siya sa ina.
Nagkaroon ng higit na bonding ang dalawa sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ng GMA 7 dahil araw-araw ay magkasama sila.
* * *
Nagbabalik si Meryl Streep (two-time Academy Award winner) sa nakakatuwang pelikulang It’s Complicated bilang si Jane Adler.
Ang romantic-comedy na It’s Complicated ay sa direksiyon ng Academy Award-nominated filmmaker na si Nancy Meyers.
Kasama rin si Alec Baldwin bilang kapareha ni Meryl sa pelikula.
Palabas na sa Peb. 24 mula sa Solar-UIP.
* * *
Ibang-iba ang hitsura ni Cynthia Patag nang aming mapanood sa SOP noong Linggo. Parang nagbago ang kanyang mukha at hindi namin siya nakilala. Naging kaibigan namin siya noong Palibhasa Lalake days.
Magaling itong singer lalo na kapag bumirit. Sana maisama uli siya sa isang concert.