Jolina mag-iibang anyo uli

Naawa ako kay Nina Kodaka nang matsugi siya sa StarStuck V noong Linggo. Cry nang cry si Nina as in hindi niya matanggap na hindi siya kasali sa Final 5 ng contest.

Ganyan talaga ang buhay, may mga tagumpay at may mga pasakit. Pasakit daw o!

Hindi man nakasali sa Final 5 si Nina, sure naman na member siya ng StarStruck Avengers.

* * *

Nagkatotoo ang sinabi ko na tatlong lalaki at dalawang babae ang papasok sa Final V. Nakalusot sina Enzo Pineda, Rocco Nacino, Steven Silva, Diva Montelaba, at Sarah Lahbati.

Kagabi ang presscon ng Final 5 sa 17th floor ng GMA Network Center at hindi ako nagpunta dahil judge ako ng StarStruck V.

Siyempre, may idea na ako sa mga potential winners pero nakadepende ang lahat sa mga text votes na matatanggap nila.

Basta ang sigurado, kabadung-kabado ang limang finalists dahil lahat sila eh hoping na mananalo.

Napanood n’yo naman siguro sa TV ang ginawa ni Diva nang tawagin ang kanyang name. Kesehodang naka-gown, talagang napaupo si Diva sa sobrang tuwa at tensyon.

* * *

Hindi na pala kasali si Camille Prats sa cast ng Panday Kids. Ang akala ko, siya ang ipinalit kay Lovi Poe dahil ito ang balita na nabasa ko.

Ipakikilala na ng GMA-7 ang buong cast ng Panday Kids. Malalaman na natin kung sino ang ipinalit kay Camille.

Mga bata ang bida sa Panday Kids. Obvious naman sa title ’di ba? Pero mga bida rin sina JC de Vera, Marvin Agustin, at Jolina Magdangal.

Ibang Jolina ang mapapanood sa Panday Kids dahil hindi siya magpa­paka-Lady Gaga. Sa SOP lang niya ginagawa ang kanyang mala-Lady Gaga na karakter.

* * *

Wala akong puwedeng i-comment tungkol sa mga nanalo sa Pinoy Big Brother (PBB) dahil never ko itong napanood.

Alam ng lahat na maaga akong natutulog kaya hindi ko na napapanood ang mga programa na past 9:00 p.m. ang timeslot.

Ang Dahil May Isang Ikaw ang primetime show na talagang tinutukan ko, hitsurang mapuyat ako dahil nandoon si Lorna Tolentino.

Nababasa ko lang ang name ng mga PBB housemates pero hindi ako pamilyar sa kanilang mga faces.

Saka, may nagsabi sa akin na hindi star material ang ibang contestants ng PBB kaya hindi matutupad ang kanilang dream na maging artista.

Remember, may kasama na luck ang pag-aartista dahil kung sikat ang lahat ng mga artista, wala nang mga supporting actors and extras.

Show comments