Yeng Constantino nagiging kamukha ni Madam Auring

Seen : Si Melissa Cantiveros ang big winner sa PBB Double Up. Second runner-up si Paul Jake Castillo, 3rd placer si Jason Fran­cisco, 4th runner-up si Johan Santos at 5th placer si Tibo Jumalon.

Scene : “The most special boy of my life” na sabi ni Jennylyn Mercado sa launch ka­hapon sa SOP ng kanyang album. Ang anak na si AJ ang tinutukoy ni Jennylyn.

Seen : Napagkamalan na bading si Cassandra Ponti sa live telecast ng PBB Double Up mula sa Cagayan de Oro dahil sa kan­yang horrible make-up.

Scene : Ang guesting kahapon sa Goin’ Bulilit nina Lorin at Venice, ang mga anak ni Ruffa Gutierrez. Komportable sa harap ng kamera sina Lorin at Venice.

Seen : Hindi bagay kay Yeng Constantino ang kanyang bagong hairstyle. May anggulo na kamukha siya ni Madam Auring.

Scene : Ang clarification ng ABS-CBN na pinch-hitter lamang si Karen Davila bilang host ng Salamat Dok. Si Bernadette Sembrano ang talagang papalit kay Cheryl Cosim sa susunod na buwan. Sina Sol Aragones, Alvin Elchico at Jing Castañeda ang temporary host ng Salamat Dok habang hindi pa pumapasok si Bernadette.

Seen : Parehong kambal ang mga bida sa Agua Bendita at sa Luna Mystika, ang matagal nang nagwakas na primetime show ni Heart Eva­ngelista. Hindi ginaya ng Agua Bendita ang Luna Mystika dahil lumang nobela ni Rod Santiago noong 1980’s ang Agua Bendita.

Scene : Bumalik na si Regine Velasquez sa SOP ngunit may kulang pa rin sa show.

Show comments