MANILA, Philippines - Muling nagbabalik si Usec. Robert Rivera matapos ang isang taong study leave sa Amerika para sa kursong public financial movement sa Harvard University sa Boston. Nagbabalik ito sa kanyang Anak TV Seal award-winning TV program sa NBN 4 tuwing Sabado at 7:30 p.m. sa Pilipinas, Ngayon na tampok ang Know Your Candidates simula ngayong Sabado, Peb.13.
Ang programa na tumakbo sa mahigit tatlong taon bago siya tumulak pa-USA ay magtatalakay ngayon kung bakit ang mga taga-showbiz ay lumalahok sa pulitika. Bibigyan ang mga tagapanood ng masusing pagsusuri tungkol sa edukasyong natapos, career, personality traits, faith, home life, at personal achievements ng bawat kandidato at kung ano ang maipaglilingkod nila bilang public servant.
Habang naninirahan sa Summerlin, Las Vegas sumali rin si Usec. Robert sa Fil-Am Lions Club at UP Alumni Association of Nevada kung saan nagboluntaryo ito sa maraming consular outreach programs para makatulong sa LA Consulate para sa pagpapatala ng mga absentee voters at dual citizenship oath-taking.
Tumulong din ang TV host-politician kay Imelda Papin para bumuo at ilunsad ang unang Fil-American Society of Entertainers habang nakipag-co-produce, nag-direct at nag-host ng comeback concert nina Rudy Genasky, Julius Obregon, D’ Angeles, Gloria Papin with the V-Asian Group.
Ang unang line up of guests ngayong Sabado ay kinabibilangan nina Mayor Rey Malonzo, Alfred Vargas, John Lesaca, Congresswoman Annie Susano, dating MMDA Chairman Bayani Fernando, Sen. Tito Sotto, Atty. Raul Lambino, at Sec. Bebot Bello para senador.
Ang lahat ng mga political parties ay inaanyayahan para makiisa at sumali. Para sa mga karagdagang detalye, tumawag lang sa telepono, 871-9356. (Emy Abuan)