Hindi na pala tuloy ang kasal ni Rufa Mae Quinto sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Mismong ang sexy actress na ang nag-confirm sa report ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras.
Busi-busihan daw kasi siya lalo na nga’t kasama siya sa bagong programa ni Regine Velasquez sa GMA 7 na Diva plus meron pa raw Showbiz Central and Bubble Gang.
Kaya iniintriga na naman si Rufa Mae. Expected na raw naman na hindi matutuloy ang kasal ng sexy actress dahil ‘imaginary boyfriend’ lang naman niya ang sinasabi niyang BF. “Never nga niyang pinakilala. So paano magkakaroon ng kasalan,” say ng isang taga-showbiz.
Kelan lang ay nagsabi si Rufa Mae na pakakasal na siya sa BF niyang negosyante. In fact nakabili na raw sila ng bahay sa Amerika.
Pero sa next year na lang daw uli nila itutuloy ang naudlot na kasalan. Mahirap daw kasing mag-asawa na hindi ka ready dahil walang divorce dito sa Pilipinas.
Gusto niya raw maging plantsado lahat bago siya mag-asawa.
* * *
Imbes na manahimik lang ang mga artistang nagi-endorso ng mga pulitiko, umalma ang karamihan sa kanila. At si Kris Aquino, willing pang magpakulong.
Hahaha.
Sinabi niya kahapon na handa siyang magpakulong dahil sa sinabi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Commission on Election (COMELEC) na kailangang mag-leave ang mga artistang nagi-endorso ng kandidato sa panahon ng kampanya.
“Hindi ko maunawaan kung bakit kini-curtail ang freedom of expression natin and my right as a Filipino citizen to vote and to express who I will be voting for,” sabi niya sa interview ng ABS-CBN.
“Hindi talaga ako agree, pero sinasabi ko nga na kung sa pakikipaglaban ng karapatan kong bumoto, at karapatan kong pantao na guaranteed by the Constitution ay gusto nila akong ikulong at dalawin. Sana ‘yong milyun-milyong nanonood sa akin araw-araw ay dalawin nila ako kung saan man nila ako itatapon. Kasi, I guess, Quezon City ang ABS-CBN, so Quezon City jail see you,” sabi ni Kris sa nasabing interview.
“Napakalupit yata na tatanggalan kami ng karapatan namin na mabuhay,” sabi niya.
Samantala, pinasususpendi naman ni vice presidentiable Edu Manzano ang nasabing plano ng COMELEC at PPCRV.
Sa isang sulat na ipinadala ni Edu sa pamamagitan ng kanyang lawyer na si Romulo Macalintal, sinabi ng kandidatong bise presidente ni Gibo Teodoro that other ‘personalities’ who also endorse candidates are not asked or required to take a leave of absence from their work. Kasama na raw dito ang professional basketball players, popular inventor, bowler, etc. “He adds that movie or TV ‘personalities’ who also endorse a candidate but who have no current TV show or program can earn a living endorsing as many candidates they want or can still continue making their movies to be shown after election. But their counterparts who have TV or radio shows are asked to stop working and are deprived of their livelihood by endorsing candidates.
“Edu’s second reason involves deprivation of property without due process. He believes movie and TV stars should not be deprived of lawful means of livelihood by the exercise of their right of suffrage or by merely campaigning for their chosen candidates.
“The third reason touches on the right to freedom of expression,” sa statement ng kampo ni Edu.
Okey. Hindi man magkaalyado sa pulitika sina Kris at Edu, iisa naman ang kanilang stand sa gustong mangyari ng PPCRV at COMELEC.
Pero imagine kung magpapakulong si Kris. Parang exciting. Maraming langgam at ipis sa kulungan noh. Surely, mandidiri siya.
Nakakaaliw ang pulitika, talo pa ang pelikula.
* * *
Tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Claudine Barretto, Richard Guttierrez, at Anne Curtis sa GMA Films and Viva Films.
Tsika ni Claudine sa kanyang twitter account kahapon:
“GMA for our story conference and presentation ng anthology. Friends, yes I’m doing a movie with Anne Curtis and Richard Gutierrez. The story is beautiful so trust me please co’z I am very hands on and choosy in choosing my movies and scripts very well kaya nga matagal ako bago gumawa ng movie because I really choose the best scripts. Di yung tanggap lang ng tanggap. Its really new and basta di ko ma-explain, ganda ng script.”
Yup, ang beteranang talent manager na si Shirley Kuan na ang nagha-handle sa career ng actress simula nang pumirma siya ng kontrata sa GMA 7.
“Yes SK has always been Sabs manager and Santino’s as well for commercials, but now I too am under her care, anything that has nothing to do with ABS, SK will handle, as for Star Magic were still together. I’ll always be Star Magic! But now that I’m with GMA, Tita SK will manage me.
“Mr. M (Johnny Manahan) and Tita Mariole (Alberto) gave me their blessings. It has always been that way. Its complicated when you see it from your point of views, but 17 years gives you a certain kind of respect aside from the love, for them kasi alam nila pinagdaanan namin lahat and they can only protect us up to a certain point.
“But in all my moves and decision making, I consult them too. Our love and loyalty is beyond networks! It was never between loyalty only to the networks, it shouldn’t be that way in the first place. Our responsibility as actors is to make our audience happy and the networks to come up with projects to give the audience, co’z after all at the end of d day service for the Filipino nga di ba?
“Kaya its frustrating yung network wars and it has to stop coz they’ll still make money anyway so I sometimes feel that its hurting and kawawa ang mga artista kung mag-guest lang sa kabila di ka na bibigyan ng show or magtatampo. I see that in so many actors. Kaya nga nag-guest sa labas co’z walang work sa loob. Its not fair naman, ang loyalty is a two-way thing. It has to come with importance not ignorance...,” malamang tweet ng actress tungkol sa matinding network war.