MANILA, Philippines - Pagkatapos ng box-office success ng kanyang dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries – Mano Po 6 and Shake, Rattle & Roll XI – abala naman si Lily Monteverde sa bonggang party niya upang mag-celebrate ng tatlong importanteng okasyon.
Sa Feb. 14, ang Regal Films matriarch ay magho-host ng masayang three-in-one celebration sa Imperial Palace Suites para sa Valentine’s Day, salubungin ang Year of the Tiger, at i-celebrate ang 15th anniversary ng hotel na pag-aari niya.
Ang kakaibang treat na ito ay magbibigay ng chance sa mga guests na mag-enjoy ng isang romantic na araw kasama ang kanilang mga partners, makisaya sa grand tradition ng Chinese New Year, o makakuha ng special offer mula sa hotel.
“Fifteen years na ang Imperial Palace Suites and we want to give back something to our guests by making them feel extra special on February 14,” say ni Mother Lily.
“Marami kaming offer not just for lovers, but also for families and friends.”
Sa Araw ng mga Puso, may special na celebration sa Imperial Palace Suites. Mula sa love songs at candlelight dinner, maraming puwedeng pagpilian ang mga couples kung paano nila gustong magdiwang ng Valentine’s Day. Puwede rin silang mag-avail ng special promo at mag-stay sa isa sa mga magagandang suites ng hotel.
Para naman sa Chinese New Year, ang mga ritual at ceremonies ay mag-uumpisa sa tanghali with a tiger dance, para mapaalis ang masamang espiritu at magdala ng good luck.
May mga ipapamigay na iba’t ibang charms sa mga guests para ma-energize ang kanilang buhay. Maaari ring malaman ang suwerte sa pamamagitan ng forecast ng Chinese zodiac signs sa isang giant screen. May feng shui master din na magbibigay ng advice at interesting facts tungkol sa Chinese astrology.
Para sa 15th anniversary ng Imperial Palace Suites, maraming mga special promos, exciting packages at iba’t ibang treat sa buong taon.
Ang 12-storey hotel na nasa corner ng Timog and Tomas Morato Avenues, ay pinakamalaki sa Quezon City. Ito ay affiliated with the Accor Group, ang leading European management chain.