O'Donnell at Minnelli sa Drop Dead...

MANILA, Philippines - Judge at psychic ang role nina Rosie O’Donnell at Liza Minnelli sa Drop Dead Diva kaya walang puknat ang adventure ng dalawa.

Ngayong Biyernes, isa na namang kaso ang hahawakan ni Atty. Jane Bingum (Brooke Elliott) na mismong si Judge Madeline Summers (Rosie) ang kanyang magiging kliyente. Ang problema nito, nagbayad siya ng $25,000 para sa dating service na wala namang nangyari dahil walang nanligaw sa kanya! Samantala, gusto namang sampahan ng kaso ng psychic na si Lily Wells (Liza) ang kanyang kapatid pagkatapos nitong magtayo ng negosyo na naging kumpetensiya ng business na iniwan sa kanila ng yumao nilang ama.

 Abangan ang mga makukulit na eksena sa  Drop Dead Diva ngayong Biyernes, 8:30 p.m. sa Q Channel 11.

Show comments