^

PSN Showbiz

Jennylyn matigas pa rin ang puso

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Natutuwa ako nang bumalik ng SOP si Jolina Mag­­­dangal. Hindi lamang muling nakita ang talento niya, nasorpresa rin ang lahat sa pagbabagong nakita sa kanyang pisikal na kaanyuan.

Magaling mag-reinvent ng sarili niya si Jolens. I’m sure nakapag-simula na naman siya ng isang bagong fashion trend. Hindi siya yung tipong paglilipasan na lamang ng panahon.

Matapang siyang magpauso ng kakaibang look at sa simula ay maaring hindi ito agad kagatin ng tao, lalo na ng mga bagets pero sa kalaunan, makikitang ginagaya na ito.

Ayos lang naman daw sa kanyang boyfriend na si Mark Escueta na miyembro ng isang banda.

* * *

Kakatuwa naman ang friendship na nakikita between senators Bong Revilla and Jinggoy Estra­da. Hindi lamang ang sarili nila ang ikina­kam­panya nila kundi maging ang isa’t isa.

Bagaman at hindi naman sila madedehado dahil naging masipag naman silang mga senador, abala sa kanilang kampanya ang dalawa if only to confirm their early promise na hindi sila magpapabaya sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan.

Si Jinggoy, bukod sa sarili niyang kampanya ay iki­na­kampanya rin ang kanyang amang si Erap Estrada na tumatakbo para sa pagkapangulo ng bansa. Ganundin si Bong na ang asawang si Lani Mercado naman ay tumatakbo para sa Kongreso sa Bacoor.

* * *

 Wala nang magagawa ang sinupaman. Talagang pinangangatawanan na ni Jennylyn Mercado ang pagpatay sa isyu ng pagiging ama ni Patrick Garcia sa kanyang anak. Tinuldukan na niya. Patrick should follow her example at ipaubaya na lamang sa tadhana ang kapalaran nilang mag-ama. Kesa naman mag­kagalit pa sila ni Jennylyn because of this.

Time heals all wounds, baka maging totoo ito kay Jennylyn. Paglaki ng kanyang anak, malalaman din nito ang pagpupunyagi niyang makilala si Patrick at maging bahagi ng kanyang buhay.

Samantala, nasusubok ang kagalingan ni Jennylyn bilang artista sa bagong seryeng pinagtatambalan nila ni Dennis Trillo, ang Gumapang Ka Sa Lusak.

vuukle comment

BONG REVILLA

DENNIS TRILLO

ERAP ESTRADA

GUMAPANG KA SA LUSAK

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JINGGOY ESTRA

JOLINA MAG

MARK ESCUETA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with