Kampo ng dating manager ni Angel gustong manahimik

Seen: Ang pananahimik ng kampo ni Becky Aguila. Wala pa silang statement sa isyu ng pag-alis ni Angel Locsin sa kanyang pamamahala.

Scene: Absent kahapon si Anne Curtis sa Showtime. May shooting si Anne sa Batangas ng Babe, I Love You, ang pelikula nila ni Sam Milby.

Seen: Nag-back out si Angel Locsin sa FHM pictorial. Si Angel sana ang covergirl ng 10th anniversary issue ng FHM.

Scene: Ang Laban sign ng mga daliri ni Danny Javier habang kumakanta siya. Hinahaluan ni Danny ng pulitika ang kanyang performance.

Seen: Ang kuwento ni Victor Aliwalas na “Rice Queen” o mahilig sa Asian ang CNN anchor na si Anderson Cooper.

Scene : Ang reklamo na over-confident at may attitude problem ang Starstruck V contestant na si Rocco Nacino. Ang kayabangan ni Rocco ang magpapatalo sa kanya sa sinasalihang artista search show.

Seen : Si Jinkee Pacquiao sa Centennial Airport. Lumipad kagabi si Jinkee sa Amerika upang dalawin si Manny Pacquiao na nag-eensayo para sa laban niya kay Joshua Cottley

Scene : Look-alike ni Marlene Aguilar-Pollard ang sexy star na si Asia Agcaoili : “Ginagawa na po ninyo kami na entertainment” ang message ni Mar­lene sa mga tao na sumusubaybay sa kuwento ng buhay nila ng kanyang anak na si Jason Ivler.

SEEN : Pinagkaguluhan si Raymond Gutier­rez ng mga tao nang bumaba siya mula sa van sa campaign kick-off ni Senator Manny Villar sa Ca­lamba, Laguna noong Martes ng gabi. In fairness, hindi siya napagkamalan na si Richard dahil “Ray­mond! Raymond!” ang pangalan na isinisigaw ng mga tao. Si Raymond ang host ng unang salvo ng kam­panya ni Senator Villar.

Show comments