MANILA, Philippines - Tsika ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account kahapon ng mga 12:00 p.m.
“Fresh from the Dept. of Justice : At the hearing of Richard Gutierrez VS PEP- PEP sincerely apologized! All’s well that ends well! WAR IS OVER!
“YES editor-in-chief Jo-Ann Maglipon n my mom (Annabelle Rama) hugged, shook hands w/Chard (Richard Gutierrez). Writer apologized. Salamat sa Diyos tapos na ang gulo! So happy!
“Now we’re all invited to YES! Magazines 10th Anniversary. Exciting! PEACE PEACE PEACE! :) For complete details pls watch the news,” kuwento ng aktres kahapon.
Speaking of Richard, marami ang naaaliw ngayong manood ng Full House. Kaya lang sad sila dahil matatapos na pala ang programa.
Sa continuation ng kuwento, maraming nakakaalam ng tungkol sa pekeng pagpapakasal nina Justin (Richard) at Jessie (Heart Evangelista). Una nang nalaman ni Luigi (Patrick Garcia) ang tungkol dito tapos ay si Elaine (Isabel Oli) naman ang nakaalam sa sikreto ng mag-asawa.
Pupuntahan ni Elaine sa bahay nila si Jessie para kausapin tungkol sa nalaman niya. Aamin naman ito kaya lalong lalakas ang loob ni Elaine na agawin si Justin. Magsisisi si Jessie pero huli na ang lahat. Alam na ng karibal niya kay Justin na di tunay ang pagsasama nilang dalawa.
Hmmm, mukhang interesting nga ang kuwento.
* * *
Sa kabila ng bangayan ng nanay at lola ni Charice, parang wala itong epekto sa kanya.
Sinabi niya sa interview ng ABS-CBN.com na malamang na magkaroon siya ng second appearance sa The Ellen DeGeneres Show para i-promote ang kanyang kauna-unahang international album.
“Sa paglabas ng album ko I might be there in her show to promote my album. Kasi kapag lumabas ang album ko ay dadaan ako sa kanya kasi sa kanya ako nauna,” sabi niya sa exclusive interview ng ABS-CBN.com.
Sa nasabing programa ni Ellen nagsimula si Charice hanggang mapansin siya ni Oprah na tumulong naman sa kanyang magka-career sa Amerika.
“Pumayag po si Ms. Oprah na mag-guest ako sa show niya (DeGeneres) at pumayag siya (DeGeneres) na mag-guest ako sa show niya,” dagdag ni Charice na over ang ka-cheapan ng away ng kanyang mga kaanak.
* * *
Speaking of Ellen DeGeneres, umpisa na siya bilang judge sa American Idol ngayong linggo.
Umpisa na kasi ng Hollywood round ng nasabing pinakasikat na singing search sa Amerika para sa Season 9. Makakasama ni Ellen bilang resident judge sina Simon Cowell, Kara DioGuardi, at Randy Jackson.
Mula sa libu-libong dumagsa sa audition centers sa Amerika kasama na ang ilang Pinoy, mahigit 100 lang ang tutuloy sa kasunod na round, ang Hollywood Round. Sa round na ito, lalo pang mababawasan ng contestants hanggang sa matira ang top 24 semifinalists.
Ang Top 24 ay mababawasan pa uli hanggang matira na lang ang piling Finalists na kakanta sa harap ng live audience at ng TV viewers.
Kaya naman painit ang labanan. At hintayin natin kung may papasok na namang Pinoy.
Tiyak ding aabangan ang pag-upo ni Ellen bilang Idol judge lalo pa’t nabanggit niya sa mga naunang interview na mas masungit pa raw si Simon kaysa sa inaasahan niya. Magkakasundo kaya sila ni Simon? Sinu-sino sa mga Idol contestants ang lulusot sa Hollywood Round? Ano pa kayang mga sorpresa ang bubulaga sa programa ngayong linggo?
Hindi lang pala ito sa cable channel napapanood, tuwing Miyerkules at Huwebes, 6:00pm (with same day replay at 8:30pm) nasa Q Channel 11 din ang programa. (SVA)