Dyowang foreigner ng aktres pinagdududahang 'madam'

‘‘Glitter” ang tawag sa isa pang ‘‘G’’ in modern-day politics bilang dagdag sa karaniwang ‘‘gold,’’ ‘‘guns’’ and ‘‘goons’’ na uso lalo’t sa panahon ng panga­ngampanya.

Simply put, ang tinutukoy na glitter ay ang kinang ng mga artistang su­mu­suporta sa kandidatura ng mga pulitiko, whether they do it for free or for a fee.

Pero kung si Sen. Bong Revilla, Jr. ang tatanungin, totoong malaking bagay ang nagagawa ng star power. But he’d like to believe na marami pa rin sa hanay ng mga kapwa niya artista ang hindi nagpapabayad. Willing nga ba niyang tapatan ng halaga ang artista, suportahan lang siya in his reelection bid?

‘‘Sa totoo lang, ’di ko afford magbayad,” tahasang deklara ni Bong.

But why pay? The surveys will speak for themselves, partida nga ang pagiging low-key ni Bong in terms of political advertising.

‘‘Maingay’’ lang ang senador sa mga isyu kung saan involved ang mga kasamahan sa industriya, such is the case of Katrina Halili.

* * *

Ano’ng panama ni Joel Cruz (of Afficionado) sa mag-amang ex-President Joseph “Erap” Estrada at Sen. Jinggoy, meron na rin silang sariling line of cologne!

Tumitimbang na 105 ml. ang Erap (eau de pre­sidente) in pitch black box ang sa ama, 50 ml. naman ang kay Jinggoy in monochromatic green with his photo and signature on either side.

Kung amoy ang pagbabasehan, halos nagkaka­pareho ang scent ng dalawa, mas lingering nga lang ’yung eau de parfum ni Jinggoy. Hindi nga lang namin naitanong kung for sale ang mga pabangong ’yon or simply giveaways nung magpatawag sila ng get-together with the press.

As we all know, reelectionist sa pagka-senador si Jinggoy while his dad is out to reclaim the presidential seat na hindi niya natapos noon. Ratings-wise, ‘‘ma­ba­ngo’’ si Jinggoy, probably next to Bong, samantalang Erap has a lot of catching up to do who ranks third following two other presidentiables.

Sana lang, humalimuyak ang mag-ama in the ‘‘garden of votes’’ dahil ito rin ang birthday wish ni Jinggoy for his father who’ll be celebrating his nth birthday weeks before the May elections.

* * *

Pinagdududahan ang kasarian ng sinasabing ban­yagang dyowa ng isang aktres, pero mara­mi ang sumusumpa na ang relasyon nila’y ‘‘Ma­dam and Eve’’ (as op­po­sed to Adam and Steve).

Looks-wise, talagang mapagkakamalan daw tunay na lalaki ang fo­reigner, but she’s a “man” trapped in a wo­man’s bo­dy. Kung tutu­usin, this is no shocking news kung romantic background ng aktres ang pag-uusapan.

Meron nga rin siyang dating dyowang bading, ’no!

* * *

Personal: Belated happy birth­day to my mom Shirley who turned 65 yesterday, Feb. 8.

Show comments