Itinanggi ng actor na si Victor Aliwalas na may something na namamagitan sa kanila ni Rhian Ramos. Ito ay kahit huling-huli sila ng Showbiz Central habang sinusubuan siya ng chicken ng young actress nang manood sila ng concert ni Kris Allen last Saturday night.
“Marumi kasi ang kamay ko kaya hindi ako makasubo. Parang kapatid ko lang siya, kaibigan. Naka-focus ako ngayon sa career ko,” katuwiran ng aktor na alaga ng GMA Artist Center (GMAAC).
Ang career nga niya ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng girlfriend niyang non-showbiz for seven months, kuwento niya sa isang tsikahan kahapon.
Wala ba siyang planong ligawan si Rhian tutal naman ay pareho silang libre na makipag-relasyon?
“Wala pa. Parehong career ang concentration namin,” malinaw na sagot niya.
Bukod sa nasabing subuan nila ng young actress na kapwa niya kasama sa GMAAC, nagsama na sila sa Korea nang mag-attend sila ng 2010 Asia Model Festival Awards na ginanap sa Seoul, Korea last Jan. 15. Napili sila ng Korea Model Association kasama ang malalaking modeling and management agencies sa Korea na maging recipient sila ni Rhian ng Male and Female Model Star Award, respectively.
Mabilis na nakagawa ng pangalan si Victor sa showbiz simula nang dumating siya noong 2007 sa bansa na ang plano lang sana noon ay magbakasyon.
“My parents, they’re part of a Fil-Am association back in the States, and we organize events there, I modeled a barong in one of those events and one designer told me I can be a model or an artista here which I thought was just said because he was being nice,” pag-alala niya.
Tinandaan pala ’yun ng kapatid niyang doktora kaya nang bumalik sila ng bansa para sa kanilang annual family vacation: “My sister remembered this and accompanied me for a photo shoot. My niece, who was then working for an advertising agency got the photos and sent those to an agency. A series of commercials happened after at doon na nagsimula ang career ko,” he recalled.
Hindi nagtagal, pumirma na siya ng kontrata sa Artist Center at nakasama agad siya sa Marimar. Nakasama rin siya sa Gaano Kadalas ang Minsan, Totoy Bato, SRO Cinemaserye, at Full House.
Nakasubok na rin siya sa pelikula – sa indie film na Tutok, My Best Friends Girlfriend, Monster Mom, and Yaya and Angelina: The Movie.
Sa ngayon ay meron siyang online show – myFitness sa Watchpad portal at isa siya sa PLDT MyDSL crew.
Siya rin ngayon ang featured artist sa Cosmo’s Celebrating Dating Game. Puwede n’yo siyang maka-chat sa Feb. 10, 3:00 p.m. para maka-date siya.
Puwede pa raw makipag-flirt sa chat ha?
Ang may pinakabonggang sagot sa kanyang itatanong ay mananalo ng date with Victor sa Feb. 12. Kaya join na mga kabaro.
* * *
Uy in fairness, parang walang nangyari kay Tito Alfie Lorenzo. Kahapon, nag-presscon na siya. Go siya sa presscon ni Senatoriable Gilbert Remulla. Parang hindi siya naospital, pramis. Napabalita na sumailalim siya sa operasyon pero itinaas pa niya ang kanyang T-shirt para patunayan na hindi siya hiniwa.
Ang alaga niyang si Judy Ann Santos ang sumagot sa lahat ng gastos niya sa hospital na mahigit P300,000.
Anyway, sa nasabing presscon naungkat ang tungkol sa aktres na niligawan ni Gilbert noong time na nasa ABS-CBN pa siya. Si Ruffa Gutierrez ang una nilang naalala pero sagot agad niya, wrong artista.
So, pinilit siya kung sino na nga ang na-link sa kanya dati. Ayaw sanang magsalita ng dating ABS-CBN anchor, pero lumabas ang pangalan nina Vina Morales at Pia Guanio. Kaibigan ang ginamit niyang term. Ayaw din sana niyang sabihin dahil baka maakusahan siyang nanggagamit. Pero wala siyang nagawa nang pilitin siyang magkuwento.
Hindi man niya nakatuluyan ang dalawa, may koneksiyon pa rin sa showbiz ang napangasawa niya, si Georgia Isabel Roa, niece nina Ms. Gloria Diaz and Rio Diaz-Cojuangco. Pinsan nito sina Georgina Wilson at Isabelle Daza.
Nangako ang mga pinsan ng asawa niya na tutulong sa kanyang kampanya lalo na nga’t hindi lahat ng tao ay alam na kandidato siya sa pagka-senador.
Kahit ang nagpi-pedicure sa Bambbi Fuentes na si Anessa ay hindi aware na kandidato pala si Gilbert.
Kailangan nga niyang mag-ingay. Promising pa naman si Gilbert.