GMA Network lumaki ang lamang

MANILA, Philippines - Mas pinalaki ng GMA Network ang kanilang lamang sa Mega Manila ratings kesa sa kanilang rival network para sa unang buwan ng 2010.

Base sa huling TV household population projections ng AGB Nielsen, nagkaroon ng 55 porsiyento rating ang Kapuso sa buong Mega Manila.

Ayon sa datos ng AGB Nielsen, ang GMA Network ay may average rating na 17.4%    (Lunes-Biyernes, 6:00 a.m. hanggang 12 m.n.) mula Jan. 1-29 sa Mega Manila households.

 Mula Jan. 25 hanggang Jan. 29 lang, ang mga programang 24 Oras, Darna, The Last Prince, Full House, StarStruck Shoutout, and Queen Seon Deok ay nakapagbigay na ng two-percent lead sa panggabing ratings sa buong sambayanan ng Mega Manila, 25.6% ang GMA 7.

Sa paglulunsad ng mga bagong programa sa pagdiriwang ng 60th year, inaasahan pang lalo ng GMA Network ang paglaki ng lamang sa ratings sa mga susunod pang buwan. 

Show comments