Diz Is It simula na!

MANILA, Philippines - Aaliwin ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang tututok sa initial telecast ng bago at fresh na morning show ng GMA Network na Diz Iz It! ngayong Lunes, Pebreo 8, simula alas-diyes medya ng umaga. Hindi tumanggi si Maricel nang imbitahan sa programa na maging guest celebrity judge at ipakitang muli ang galing niya sa pagsasayaw.

Magsisilbing taga-gising sa umaga ang mga hosts ng bagong programa na pinangungunahan nina Bayani Agbayani, Ehra Madrigal, si Grace Lee at Sam Y.G. o mas kilalang si Shivaker.

Limang contestants ang maglalaban-laban sa cash prize na P50,000 na kailangang magpakita ng husay, energy at buwis-buhay na performance para magwagi ng Best In Talent! Bukod diyan, may tsansa pang makapag-uwi ng dagdag na P30,000 ang contestant sa game proper, manalo man o matalo sa major prize.

Siyempre pa, bukod sa aliw factor na madarama sa pagpapakitang-gilas ng mga contestants, join din sa kasiyahan ang mga audience na may special portion na ipakita ang itinatagong talento, at may batian segment na may kakaiba ang dating at twist.

Dinagdagan din ng DIz Is It ng sopresa na ngayon lang mapapanood sa mga pang-umagang programa.

Hindi rin puwedeng isnabin ang stage na ginastusan at binonggahan. Nirentahan ng show ang Cinema 3 ng SM Megamall upang lumabas na sa tipong arena kung saan nagbabakbakan ang mga kalahok.

Show comments