Mark Bautista hahanapan ng partner

MANILA, Philippines - Ang bawat produkto na may modelo ay nahuhus­gahan sa pagdami ng mga customers na tumatang­kilik dito. Kaya kung pagbabasehan ang ginawang en­dorsement ni Mark Bautista para sa Mang Inasal na may mahigit 200 na branches sa buong bansa, pasadung-pasado ang singer.

Type na type ng mga tao ngayon ang orig na lasa ng Ilonggong inihaw na manok.

Enjoy ang lahat, kahit hindi Ilonggo, sa mga comfort food na inasal, barquillos, molo soup, at iba pang pag­kain na tatak Mang Inasal. Walang sawang kanin pa ang kasama.

Ang Viva boss Vic del Rosario, na nag­mamay-ari ng Jupiter franchise, ay masaya sa resulta. Balak din niyang magbukas ng isa pa sa Trinoma sa susunod na buwan.

Si Edgar “Injap” Sia II, ang nasa likod ng Mang Inasal, solid ang suporta kay Boss Vic. Nasa plano niya kasi ang makadagdag ng 100 pang branches ngayong taon.

Dahil sa tagumpay ni Mark, naghahanap naman ngayon si Mr. Sia ng kapareha ng singer bilang female endorser ng Mang Inasal.

Masaya naman si Mark sa itinatakbo ng restaurant chain. 

“Mang Inasal is very hardworking. Ibinibigay nila ang lahat. They are persistent and aggressive. Gusto talaga nilang maging successful sa industriya,” sabi ni Mark. “And this is also what I see in myself.”

Show comments