Nagulat ako when I realized na 14 years na pala ang Walang Tulugan. To think na disoras na ng gabi (o umaga na ba?) ito ipinalalabas pero, umabot pa rin ito ng matagal sa ere.
Ngayong gabi, dalawang episodes ang iti-tape namin. Mga big celebrities ang mga inaasahan kong darating. One is Jose Mari Chan na uuwi pa from Hongkong na kung saan ay may business meeting siya para lamang kumanta at makibahagi sa aming pagdiriwang.
Aawitan din niya ang mga Bb. Pilipinas candidates. Masuwerte kami dahil kahit mag-uumaga na kung ipalabas kami, marami pa rin ang pumapayag na mag-guest sa show. Parang alam nila na sa abroad, nangunguna ang Walang Tulugan.
Wala ring ibinibigay na TF sa WT, giveaways lamang.
Nangako ring darating sina Jed Madela at Pops Fernandez.
* * *
May problema sa SOP dahil dalawang malalaking artistang lalaki ang hindi nagkikita ng eye to eye. Hindi sila puwedeng pagsamahin ng sabay sa stage, hindi sila papayag. Ewan ko ba kung ano ang problema ng dalawang ito at nag-iinarte. Kung may personal silang away, dapat i-set aside nila dahil naaapektuhan ang programa which is unfair dahil pareho naman silang trabahador dito. Dapat hindi nila binibigyan ng problema ang mga production people.
Tinatawagan ko ng pansin ang dalawang nabanggit na actor. Kailangan ng SOP ang kooperasyon n’yo. Talento ang pairalin, ‘wag ang katigasan ng ulo n’yo na kinukunsinti ng mga managers n’yo. Don’t focus on your own shows only. Kung puwede kayong makatulong sa ibang mga palabas ng GMA, gawin n’yo.
* * *
Mukhang si Yna Asistio ang susunod na ibi-build up ng GMA. Walang masama, maganda siya, may talento at willing matuto. May bagong programa ang Kapuso network na isa siya sa mga bida.
* * *
Mukhang sa GMA 7 namimingwit ng mga artista ang TV5. At hindi lamang artista, balita ko pati production people, inooperan ng malaking halaga? At sa panahon ng tag-hirap, meron bang hindi masisilaw sa malaking halaga?